βœ•

18 Replies

Nakakalungkot naman yung reaction ng supervisor mo, given na sinamahan ka niya na nga magpaospital so alam niyang di ka naman nagdadahilan or nag iinarte lang. Since medical advice ng doctor na mag bed rest ka for 2 days, walang karapatan ang company na i-contest o magdisagree dun. Sa ayaw at gusto nila, last day of working mo na in 2 days at excused kang wag pumasok don. Pag nagclearance ka momsh, may exit interview lagi conducted by HR. Sabihin mo kung pano ka tintrato ng Supervisor mo para aware sila na pwede sila makasuhan pag may nangyaring ganyan uli sa kanila at mareprimand yang boss mo. Wag mo nalang pansinin at mabuti nalang at aalis kana dyan sa company na yan. Have a safe pregnancy! :)

Pag ba may exit interview. Malalaman ba nila yung isasagot ko? Nagulat nga po ako kanina may text na may schedule ako. Pero diko nalang papasukan kasi written naman na din s medcert eh, bahala sila umusok ang ilong pag magdagsa ang chat o tx nya. Mamaya pilitin ko pumasok tapos same scenario ulit kanina. Ako lang din kawawa.

Yes pwede mo sila ireport. Karapatan moyun as pregnant women than regular employee. Kaya ako super glad ako sa company kodahil bukod sa iniintindi nila yung pagbubuntis mo always in time kapa mag out unlike before na may possible ka ma extend dahil sa daming gagawin pa pero now. Hindi kasi karapatan moyung makapagpahinga ka after 8hours of work.

Hindi po ako buntis. Actually kakapanganak ko lang po via cs pa. Inaayos ko naman render ko, tapos simula nagtrabaho ako dun wala sila naging problem saken kasi naaaward pa nga ako sa mga best ganito best ganyan nila eh. Pero ang lungkot isipin ganyan sila mag isip

VIP Member

Haaay. Kaya sabi ng mga ganyang kumpanya sa kanila kasi madaling palitan ang empleyado. Eh hindi nila alam dahil sa mga empleyado tulad natin kaya nabubuhay kumpanya nila. Pakisabi sa bisor mo siya ba may-ari! Tuktukan ko sia eh. Charing! HAHA! Okay na yan Momma! Magpahinga ka muna from all na toxicity na nakuha mo sa work heheπŸ‘πŸ»πŸ’ͺ🏻

Ang dami na nga po nakapila magresign eh. Month of july kasi natotoxic na. Di na tulad ng dati kasi

Hi sis. It's not worth to stay in that company kung ganyan ang treatment nila sa employee. You should know your worth, huwag mo na silang pagaksayahan ng oras mo. Huwag ng sumama ang loob mo tutal naman nagresign ka na, mas may magandang naghihintay sa iyo. Isumbong mo nalang sila sa Dios, may awa ang Dios. Ingatan ka nawa lagi ng Dios sis.

Salamat po😊

ako nga last 2weeks ko ng-issue n ng bed rest OB ko kahit wala nmn ako sakit, 37wks n kc ako nun pro 1wk lang nagamit ko SL kc by the following week, nanganak na ko. wala nmn prob sa mga boss ko, isa pa hindi ako pala-absent, 2x lang ata ko nag-SL mula ng mbuntis ako panay OT pa pg need tlga..cgro un boss mo walang anak kaya gnun πŸ™„

hayaan mo n, mhalaga un baby mo..during your ML, evaluate mo kng bbalik kpa or hahanap ng iba work..madali sabihin pro mhirap gawin dahil nga nmn sa needs, kya wag mo n stress sarili mo..saka mo n isipin

Okay lang yan mamsh, mas isipin mo yung health mo kaysa sa sasabihin ng visor mo kasi hndi naman sila yung magsusuffer pag lumala yan kundi ikaw. Tska be happy nalang kasi aalis kana dun sa company nyo hehe Take care sis! 😊

Kaya nga po eh makakalaya na sa almost 3 yrs na ganyang sistema nila.

Walang malasakit ung bisor mo, buti umalis ka na. Tsaka hayaan mo sya sa sinsbi nia may dokumento ka naman may med cert ka at advise ng doktor na bed rest, wala syang magagawa don hanggang salita nalang.

Well.. wala naman na silang magagawa kasi technically you are leaving the company. So deadmahin mo nalang din mga comments at arte ng visor mo kasi your not gonna be working with them anymore. 😊

Yan na din payo ng mga kaibigan ko. Paran nga daw di makatao ginagawa nila

Grabe sila...😐 puwede mo review sa Dole kung ano puwede gawin kung ganyan ang visor..a.may mga employer tlga na ganyan hindi mapagpahalaga sa tao nila... 😑

Kaya nga po. Maiintindihan ko pa kung pasaway ako eh pero ni takot nga ako malate. Wala man lang konsiderasyon.

May ganyan talagang visor, mas may pakialam sila sa attendance ng team kasi takot mapagalitan ng OM. Naku, buti wala ka na dun. Toxic.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles