Need Advice FTM

Recently, I just got hired from a job which was far from my previous experience. Umalis ako ng previous job ko kahit four years na ako dahil sa unfair treatment sa schedule. But then etong new job ko, despite na wala akong experience nagagawa ko yung work. The only problem is that yung environment sa team namin. It seems like yung senior (tenured) samin and yung boss namin nahihirapan ako pakisamahan. Feel mo na may barrier in between kasi every lunch time mararamdaman mong out of place ka. Although tinatry ko rin makibonding at mskisama. Mafifeel mo na parang hindi ka belong sa circle nila. Isa pa is nahihirapan akong magreach out sa kanila or magtanong pag may hindi ako maintindihan, parang bawal ba magtanong. Ang bigat kasi sa loob na gusto mo makapagcontribute sa team pero at the same time parang walang teamwork. Yung job ko complicated sya since fintech, bawal na bawal magkamali kaya I always ask tlaga na madouble check yung ginagawa ko. Last week, nagtanong ako sa senior namin kung anong suggestion nya to email in a simplier way na maiintindihan ng client kasi yung clients namin mga bigating corporates rin. Ofcourse may mga jargon and terminologies sa new work ko na baka mamaya hindi nagegets ni client. Nagreply naman sya pero in a sarcastic way. won't tell her reply nalang pero naiyak ako ksi parang matatanong mo sa sarili mo na ganito ba ako ka tanga para sagutin ng ganito? (By the way one month palang ako sa work ko) naisip ko na hindi ko naman deserve yung ganito kasi kaya ako nagtatanong para matuto rin ako. Tapos another factor pa is may habit sila ng pagtuturuan. And yung katransition ko, nafifeel ko na hindi rin nila bet. Kasi madalas rin nila pag usapan. I talked to my hubby also na parang hindi ko kakayaning tumagal dahil sa environment nila. But I really need to work as well for the mean time. Pero yung stress level ko simula nung nagtatransition na araw araw. Any advice can u give me kasi sa totoo lang sobrang litong lito na ako and mag 1 yr palang this months simula nung nanganak ako. #advicepls #firsttimemom #pleasehelp

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

hi mi,una sa lahat isa sa pinka importante sa lahat ay ang environment ng work since yan ang makakapag motivate sayo para mag push na maging productive. Masaya lalo kung kasundo mo mga ka work mo mas nkaka inspired lalo mg work. Sa case mo, kung ako yan..i mean in my opinion, mgtitiis ako hanggat kaya ko, ang hirap din kse mghanp mg work tlga e...pero mi kapag sobrang affected na ang mental health mo at tlgang hindi ka na masaya lumipat ka na. Same case ako sa new work ko now pero naka WFH kse ako kaya natitiis ko di ko sila nkkta sa personal pero umabot na din ako sa sukdulan na tlgang umaabsent na ako ng walang dahilan kse gusto ko nlang umiyak.

Magbasa pa
2y ago

thank you mi. as of now natitiis ko pa. pero feel ko talaga anytime sasabog ako. simula nung nagwork ako araw araw nasstress ako at nawawalan gana. tinitiisnko lang din. pero talagang masakit sa ulo at sa dibdib ksi wala ako mapagsabihan o mapagtanungan manlang.

Ang mahirap sa sitwasyon mo is ayaw nilang makipag cooperate though kaya mo naman yung work mo it's just that ayaw mo lang din talaga magkamali specially newbie ka. Sguro, sa mga ibang co-workers mo mag ask ka na lang din. If ever na magtatanong ka ulit sa kanila, itanong mo lang ulit to clarify. Wag mo ipaparamdam o ipapakita na naiintimidate ka or na-oout of place. Gawa ka din ng mundo mo. Basta mag work ka lang, pag kinausap ka, be kind and firm. Di talaga maiiwasan yan sa trabaho. May mga toxic ka talagang makakasama

Magbasa pa
2y ago

Thank you for your advice. actually bawal po talaga magkamali sa new work ko even yung ka transition ko takot rin magkamali dahil sa deliverables overseas to custom ph. nung nag onboard ako dun lang ako na advise ng manager na yung field namin bawal magkamali kaya lagi niya sinasabi to always do things right. pati pagtatanong hindi rin nila ineencourage. given na no experience ako especially sa application tools nila, nagtatanong ako for verification and confirmation nila. kya anahihirapan ako mag cope up sa kanila lalo at I always feel na unavailable sila. tapos 3 lang kami na parehong workload ginagawa. yung katransition ko madalas hindi sure, while yung senior namin ang hirap i reach out. :(