Ang sama ko ba?

We're 5 months married. Mag bbday mama ni hubby next week. Ang pera namin kung hindi sapat kulang pa para sa panganganak ko. Alam kong di ako pababayaan ng side ko kung sakali, pero sa side niya parang wala kaming maaasahan. So bday nga ng byenan ko next week. Tapos nagbigay yung siya ng 1k panghanda. Ang kaso kulang naman yun sa gusto niyang handa. Naggrocery si hubby naka 1600 na siya. Tapos nanghihiram pa sakin ng 1k pandagdag and pambili ng cake daw. Ang sama ko ba? Hindi naman sa ayaw kong handaan mama niya. Alam ko naman kaligayahan niya yon. Pero kasi, kung ano lang meron yun lang sana yung pagkasyahin. Eh ang kaso parang ang dami pa nilang gusto iinvite. Minsan gusto ko tuloy magtanong, ako lang ba nakakaramdam ng krisis?? Ako lang ba nagaalala?? Nakakasama ng loob kasi feeling ko confident sila na kung mawalan man kami, nanjan yung family ko. Hindi kami mayaman pero marunong gumawa ng paraan family ko. Tapos nung mothers day nagpaparinig byenan ko na wala man lang daw kaming pa cake. Di ba niya naisip sitwasyon namin?? Walang wala kami. Yung pinanggagastos namin ngayon pera ko dahil wala pang sahod anak niya. Nasamin na nga pati isa niya pang anak magdedemand pa. Kung tutuusin kung di kami inaabutan ng parents ko baka gutom kami ngayong ecq. I feel bad na ganto iniisip ko. Pero kasi, feeling ko sinalo ko yung gastusin nila. Tapos sila chill lang sa life. Pag naghihigpit ako sa budget feeling ko namimis interpret ng asawa ko. Nung magjowa palang kasi kami, pag may request siya or favoruutang bigay agad ako. Eh iba naman na sitwasyon ngayon. Manganganak na ko this month. Wala kaming ipon para kay baby. Tapos kami pa magpapaaral ng kapatid niya. Tapos mama niya walang trabaho. Tapos pinapadalhan pa namin anak niya sa pagkabinata. Ewan ako kasi hindi ako pala asang tao. Kung ako nasa posisyon nila magpapasalamat na ko na tinatanggap ako sa bahay at pinapakain. Di na ko magdedemand. Tska nung di pa kami magasawa parang sanay naman sila na walang wala sila. Tapos after namin makasal parang biglang ang dami ng responsibilidad ng asawa ko sakanila. Feeling ko tuloy ako yung inaasahan nilang magpoprovide/tutulong sa asawa ko para sa pangangailangan nila. Please give me some perspective. Gusto ko maging mabuting asawa. Pero ayoko saluhin buong pamilya niya.

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Medyo same po tayo ng situation ngayon, andito yung MIL ko and kapatid din ng asawa ko. Ako lang yung may stable na trabaho kahit may baby ngayong crisis. Paminsan minsan lang yung work ni hubby. Kaya yung ginagawa namin, budgetin lang talaga nga maayos ang pera para may pangkain kami araw araw. Minsan naiinis ako na nandito kapatid nya since matanda na yun and kaya na magtrabaho at magsarili. Yung MIL ko kasi binibaby pa rin yung mga anak eh ang tatanda na. Kaya payo ko po sayo, kausapin mo na po husband mo. Sabihin mo sa kanya lahat ng hinanaing mo. Ganyan po ginagaw ko. Para din naman yan sa pamilya nyo. Di po yan pagiging selfish, kahit isipin nya nagiging selfish ka. Ipaintindi mo po sa kanya. Maayos din ang lahat sa maayos na usapan.

Magbasa pa