Ang sama ko ba?

We're 5 months married. Mag bbday mama ni hubby next week. Ang pera namin kung hindi sapat kulang pa para sa panganganak ko. Alam kong di ako pababayaan ng side ko kung sakali, pero sa side niya parang wala kaming maaasahan. So bday nga ng byenan ko next week. Tapos nagbigay yung siya ng 1k panghanda. Ang kaso kulang naman yun sa gusto niyang handa. Naggrocery si hubby naka 1600 na siya. Tapos nanghihiram pa sakin ng 1k pandagdag and pambili ng cake daw. Ang sama ko ba? Hindi naman sa ayaw kong handaan mama niya. Alam ko naman kaligayahan niya yon. Pero kasi, kung ano lang meron yun lang sana yung pagkasyahin. Eh ang kaso parang ang dami pa nilang gusto iinvite. Minsan gusto ko tuloy magtanong, ako lang ba nakakaramdam ng krisis?? Ako lang ba nagaalala?? Nakakasama ng loob kasi feeling ko confident sila na kung mawalan man kami, nanjan yung family ko. Hindi kami mayaman pero marunong gumawa ng paraan family ko. Tapos nung mothers day nagpaparinig byenan ko na wala man lang daw kaming pa cake. Di ba niya naisip sitwasyon namin?? Walang wala kami. Yung pinanggagastos namin ngayon pera ko dahil wala pang sahod anak niya. Nasamin na nga pati isa niya pang anak magdedemand pa. Kung tutuusin kung di kami inaabutan ng parents ko baka gutom kami ngayong ecq. I feel bad na ganto iniisip ko. Pero kasi, feeling ko sinalo ko yung gastusin nila. Tapos sila chill lang sa life. Pag naghihigpit ako sa budget feeling ko namimis interpret ng asawa ko. Nung magjowa palang kasi kami, pag may request siya or favoruutang bigay agad ako. Eh iba naman na sitwasyon ngayon. Manganganak na ko this month. Wala kaming ipon para kay baby. Tapos kami pa magpapaaral ng kapatid niya. Tapos mama niya walang trabaho. Tapos pinapadalhan pa namin anak niya sa pagkabinata. Ewan ako kasi hindi ako pala asang tao. Kung ako nasa posisyon nila magpapasalamat na ko na tinatanggap ako sa bahay at pinapakain. Di na ko magdedemand. Tska nung di pa kami magasawa parang sanay naman sila na walang wala sila. Tapos after namin makasal parang biglang ang dami ng responsibilidad ng asawa ko sakanila. Feeling ko tuloy ako yung inaasahan nilang magpoprovide/tutulong sa asawa ko para sa pangangailangan nila. Please give me some perspective. Gusto ko maging mabuting asawa. Pero ayoko saluhin buong pamilya niya.

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

samin mamsh, 10k binibigay ng asawa ko sakin, 5k kinsenas katapusan. Tpos we are paying 15k sa car then 15k sa house n binili nmin monthly. Pero di ko mgawang sumama loob ko sa asawa ko. Kahit mahirap, ngagawan ko ng paraan. Pag my needs nman like grocery sya kadalasan ngbabayad. Tpos gaya ngaun ecq ngbbigay dn sya sa mother ko ng 2k a week pampamalengke. Kaya kht papano swerte pdn. Turo ng mama ko babae ang dpat magmanage ng pera, siguro s sobrang pagtitipid ko at s pagiipon ko ng allowance ko pati bigay nya at sahod ko, di ko namalayan nkaipon kami ng 100k sapat pampaanak. At thank you Lord kasi nkabayad din kme sa lawyer para sa annullment nya nka 150k kme ng bayad sa lawyer, then walang prob samin pag pagbibigay sa both sides ng family all support kme pareho pag my gusto bigyan. All our expenses started lastyr lang, then will give birth on june and all is ready na. This is not to brag but to inspire. Above all, si God tlaga tumulong samin. We always pray for his guidance and talk about his words everyday ❤️

Magbasa pa
5y ago

190k mamsh, di nmin finully paid muna kasi di pa ngstart hearing, mejo di kasi ok ung last yr na set up na si mister ang ngfile. Binaligtad ngaun, ung wife nya na lumalabas na ngfile mas madali dw. Dpat mgstart na kaso nglockdown kaya ayun wait pa mging ok ang lahat.

Naspoiled mo kasi BF mo sis kaya ganyan ugali nya. May attitude problema din MIL mo noh feelingera. Yung pa lang kayo nagpapaaral sa isa nyang kapatid at sustenso sa anak ng BF mo sa pagkabinta eh sobra na. Saka bakit demanding yang MIL mo? 1k pwd na yan panghanda ah kung meron nga sya hiya wag na maghanda eh kasi krisis ngayon. Kung ako sayo mas maghigpit ka pa ng pera,Hnd kayo mayaman,kawawa din family mo na panay bigay sainuo tpos ganyan pa ugali nila. Kung meron nga hiya Husband mo dpt mag sumikap sya pra hnd nakakahiya sa Family mo eh. Paano if wala ng mabigay na pera family mo? Anong gagawin nyo? Saan kayo kukuha ng pera? Edi nganga kayo sis. Saka wag mo isipin na lagi nandyan family mo,kawawa din sila eh. Imbes na hnd na kayo iniisip eh. Kausapin mo yan husband mo sabihin mo"nakakahiya na kela papa,sana maintindihan mo na need naten mag-ipon ng pera lalo ngayon krisis. Oe if gusto mo gawa ka ng paraan."

Magbasa pa
5y ago

Sis kapag nagkaanak ka alam mo na,wag ispooled lalo if BF/GF palang naman. Kelan ba due date mo sis?

hmm. yung asawa ko every sahod nya nagbibigay sya sa mama nya. (minsan 1k, or 500). iba pa bnbgay nya sa kapatid nya na nasa malayo.. ganon din 1k or 500. both nagttrabaho naman kmi. ok lng. ang kaso, halos ako lahat bumili ng gamit nmin ng baby nmin nung ngbbuntis plng aq. kse nga sahod nya kulang pa samin + ipon, ako lng ngttabi tlga pera. ngayong lockdown.. swerte kami nakakuha kame ng ayuda. kaso ung side nya hindi, ending.. nagbgay sya ng 2k ata sa kanila.. di ko na din alam kung magkano.😂 e ang laki ng babayaran pa namin. ang point ko lang, di ka nagiisa ng nararamdaman. ganyang ganyan ako nung nagbbuntis ako.. hanggang ngayon na 5 months na baby namin. puro sama ng loob nttanggap ko sa asawa ko. di ka masama mamsh. may mga lalaki lang talaga na kahit may asawa na, hindi pa din yung binubuo nyang pamilya ang number 1 priority.

Magbasa pa
VIP Member

Mommy chill lang ung ngyayari sau is ngyayari skin masyado aqng o.a sa paligid q ganyan aq ngyon kc aq halos gumagastos sa bahay minsan suma sama pa loob q sa mom q kc ang gagastos nila tapos aq eto panay tipid.. dala yan ng pagiging mainitin natin at moody dhil buntis tau lahat npapansin ntin..wag ka mag worry ndi ka din nyan pababayaan kc pinapakita mo nmn sa knla na d ka ngdadamot tgnan mq hnayaan q nlng go to the flows nalang aq pag andyan na ung problema tska problemahin wag muna ntin pangunahan maging mapag pasensya tau at mapagbigay kc lahat ng yan d mo aasahan babalik din stin usapa din kau ng asawa mo daanin mo sa biro hinay sa gastos at c baby ganun lang chill lang po lahat ng problema may solusyon at pray din po😊🙏🏻👍🏻

Magbasa pa

Medyo same po tayo ng situation ngayon, andito yung MIL ko and kapatid din ng asawa ko. Ako lang yung may stable na trabaho kahit may baby ngayong crisis. Paminsan minsan lang yung work ni hubby. Kaya yung ginagawa namin, budgetin lang talaga nga maayos ang pera para may pangkain kami araw araw. Minsan naiinis ako na nandito kapatid nya since matanda na yun and kaya na magtrabaho at magsarili. Yung MIL ko kasi binibaby pa rin yung mga anak eh ang tatanda na. Kaya payo ko po sayo, kausapin mo na po husband mo. Sabihin mo sa kanya lahat ng hinanaing mo. Ganyan po ginagaw ko. Para din naman yan sa pamilya nyo. Di po yan pagiging selfish, kahit isipin nya nagiging selfish ka. Ipaintindi mo po sa kanya. Maayos din ang lahat sa maayos na usapan.

Magbasa pa

For me, normal lng yang nararamdaman mo kasi may takot tau kasi ung ipon natin kulang pa para sa mga gamit ng baby at sa panganganak.. Taz may pinapakain pa tayo. Minsan nakaka pressure din.. Kami nga ng partner ko, walang ibang pwedeng maasahan both sides. Ayoko din nmn humingi ng tulong oh financial sa brother ko abroad kasi baka sabihin lng sakin wala kaming ipon. Kaya dasal lng talaga ginagawa ko para mag normal delivery ako at sana healthy lng talaga c baby. Kasi hindi talaga sapat ipon namin tapos ung ipon namin nababawasan pa pambili ng ulam at bigas sa bahay. Sobrang pressure din ako ngaun dahil sa short sa budget pero naniniwala ako na God will provide. Kaya natin to sis!

Magbasa pa
VIP Member

Sis hindi naman magiging madamot pag humindi ka sa kanila at wag mong isipin na masama ka bilang manugang sa kanila, Kung sa sariling kaligayan lang at luho ng byenan mo sana inisip niya din na hindi na mahalaga ngayon ang maghanap ng bongga dahil sa crisis na meron ngayon, at sana inisip din niya na manganganak ka din naman at yung asawa mo dapat nagsasabi sa magulang niya sakto lang pera at kung ano lang kaya niyo ibigay kasi ako dito samin huminge ako sa magulang ko dahil wala din ibibigay yung bf ko dahil ng gagamot yung tatay at hindi din ugali ng bf ko huminge kung kaya niya gawan ng paraan gagawan niya .. Kaya sis wag magisip ng kung ano ano sa ngayon kasi masama sayo

Magbasa pa

wag mo po itolerate na laging ganyan kasi alam nilang may mailalabas kang pera. mag voice out ka para malaman dn nila feelings mo kung ano lng ung meron un lng pag tiyagaan nila wag na sila choosy noh! tas pagawan mo ng paraan asawa mo para magkapera di dahilan ang ecq kung walang wala na madami paraan kung di tatamad tamad, nastress ako sa nabasa ko nakakainis mga ganyang tao sis pag pray mo nlng. saka pagkalabas ng baby nyo di mo na obligasyon paaralin kapatid nya dahil mas priority nyo na ang baby, madami dn pwede gawin c byenan para kumita ng pera mag tinda sya mga meryenda para ndi puro asa.

Magbasa pa

Masinsinan mo kausapin asawa mo.sabihin mo nararamdaman mo.dapat sa asawa mo,tumayo bilang padre de pamilya.hindi yung isa pa siya na aasa din.hndi ikaw dapat sumalo niyan,kundi siya.may sarili ba kayong tirahan o wala?nkikitira sa byenan?kung oo,umalis na kayo at lumipat na kayo.hindi ka ngiging masama mamshie.karapatan mo maprotektuhan ang gastos sa panganganak at pangangailangan nyo mag asawa.tutuusin,asawa mo dapat gumagawa niyan.kya kausapin mo asawa mo tungkol dito.ngayon palang ganyan na,pano na kapag lumabas na anak nyo

Magbasa pa
5y ago

Then kausapin mo asawa mo mamsh.hndi pwedeng ganyan.kawawa ka naman at baby mo.kayo naman magigipit kapag ganyan.buti sana kung malaki knkita ng hubby mo,bakit hindi bigyan db?ang kakausapin mo talaga jan is si hubby mo.kalmado mo siya kausapin.at paintindi mo sa kanya ng malumanay.para di niya isipin na inaatake mo siya.

Okay lang yan.Huwag mo nalang abalahin ang sarili mo to explain yourself.Push mo yang budget para sa panganganak mo to make sure.Ganyan din ako sometimes pero dito kami nakastay sa side ng bf ko.Iniisip ko nalang na baka nag iiba lang ang emotion ko dahil sa buntis ako..pero pinipilit ko na wag ng maglabas ng pera kase mahirap na.Ano man ang mangyari sa panganganak di mo pwede panghawakan yung side ng lalaki lalo at nakikita mo kung ano lang meron sila.

Magbasa pa