Ang sama ko ba?

We're 5 months married. Mag bbday mama ni hubby next week. Ang pera namin kung hindi sapat kulang pa para sa panganganak ko. Alam kong di ako pababayaan ng side ko kung sakali, pero sa side niya parang wala kaming maaasahan. So bday nga ng byenan ko next week. Tapos nagbigay yung siya ng 1k panghanda. Ang kaso kulang naman yun sa gusto niyang handa. Naggrocery si hubby naka 1600 na siya. Tapos nanghihiram pa sakin ng 1k pandagdag and pambili ng cake daw. Ang sama ko ba? Hindi naman sa ayaw kong handaan mama niya. Alam ko naman kaligayahan niya yon. Pero kasi, kung ano lang meron yun lang sana yung pagkasyahin. Eh ang kaso parang ang dami pa nilang gusto iinvite. Minsan gusto ko tuloy magtanong, ako lang ba nakakaramdam ng krisis?? Ako lang ba nagaalala?? Nakakasama ng loob kasi feeling ko confident sila na kung mawalan man kami, nanjan yung family ko. Hindi kami mayaman pero marunong gumawa ng paraan family ko. Tapos nung mothers day nagpaparinig byenan ko na wala man lang daw kaming pa cake. Di ba niya naisip sitwasyon namin?? Walang wala kami. Yung pinanggagastos namin ngayon pera ko dahil wala pang sahod anak niya. Nasamin na nga pati isa niya pang anak magdedemand pa. Kung tutuusin kung di kami inaabutan ng parents ko baka gutom kami ngayong ecq. I feel bad na ganto iniisip ko. Pero kasi, feeling ko sinalo ko yung gastusin nila. Tapos sila chill lang sa life. Pag naghihigpit ako sa budget feeling ko namimis interpret ng asawa ko. Nung magjowa palang kasi kami, pag may request siya or favoruutang bigay agad ako. Eh iba naman na sitwasyon ngayon. Manganganak na ko this month. Wala kaming ipon para kay baby. Tapos kami pa magpapaaral ng kapatid niya. Tapos mama niya walang trabaho. Tapos pinapadalhan pa namin anak niya sa pagkabinata. Ewan ako kasi hindi ako pala asang tao. Kung ako nasa posisyon nila magpapasalamat na ko na tinatanggap ako sa bahay at pinapakain. Di na ko magdedemand. Tska nung di pa kami magasawa parang sanay naman sila na walang wala sila. Tapos after namin makasal parang biglang ang dami ng responsibilidad ng asawa ko sakanila. Feeling ko tuloy ako yung inaasahan nilang magpoprovide/tutulong sa asawa ko para sa pangangailangan nila. Please give me some perspective. Gusto ko maging mabuting asawa. Pero ayoko saluhin buong pamilya niya.

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kausapin mo sya, at sabihin mo nararamdaman mo. dpat lang mag higpit ng pera dahil ecq ngayon.. sabihin mo sa asawa mo magpaka lalaki sya at wag nyang e asa syo financial! at isipin nya future na magiging anak nyo at gastusin, sa byenan monh hilaw naman sabihan mo na nay tipid2 muna tayo, ako nga eh walang png cake sa sarili ko para sa mothers day dahil inuuna ko needs natin sa bahay.. WAG KANG MAKA SARILI, GANERN!

Magbasa pa
TapFluencer

Sana yun nag parinig yung mama nya nung Mother's Day na wala bang pa cake? Sinabi mo sna na ok lang na walang pa cake ma, ipunin na lang nya para sa panganganak ko kasi nakakahiya naman sa kamag-anak mo. Ayun, maigi kausapin mo asawa mo. Kamo nakakahiya umasa sa family mom kaya tipid tipid at ipon ipon din para sa pag labas ni baby. May asawa na kamo sya ngaun, di na tulad dati. Kung may gusto bili..

Magbasa pa

Ako simula nung magjowa pa lang kame ni hubby hanggang sa nakasal kame nag aabot talaga sya sa mama nia pero ok lang naman un saken kc sya naman ang nagttrabaho pero ngayon buntis na ko nde na sya nakakaabot at cnabi naman nia din sa mama nia, kc nga magkakababy na kame at ayos lang din naman sa mama nia.. maganda pag usapan nio mag asawa,para alam nia din ang ung saloobin mo..

Magbasa pa
VIP Member

Mommy kausapin mo partner mo kasi masama ang nagtatago ng sama ng loob lalo na buntis ka. Hindi ka masamang tao mommy, iniisip mo Lang na kapos kayo at nag.aalala ka for your baby. Tignan mo after mo manganak tiyak na babawi sila. Atlis may kasama ka. Minsan kasi napaka silencer ng ibang tao pero di mo alam na nakahanda din pala sila para sayo at sa baby mo❤️💝💌

Magbasa pa

Di mo ba yan na foresee bago kayo kinasal? Kasi dapat oo at tinanggap mo ng ganyan mangyayari snyo. Kung di pa kayo kasal, hiwalayan mo na. Joke. Bukod n lng kayo tska kausapin mo asawa mo. Sbhin mo dapat kayo ang priority dahil kayo ang pamilya niya lalo n my baby n kayo. Prang umaasa ka din ksi sa family mo eh. Alam tuloy ng asawa mo n may mabubunot kya chill lang siya

Magbasa pa
5y ago

Nakikitira ang MIL at kapatid ng husband nya sknila. So wala pupuntahan. Sila pa yata ang aalis sa sarili nilang bahay.

VIP Member

Hindi ka masama.. Nagiging praktikal ka lang. Ganyan kasi pag inispoil mo ang lalaki yung magjowa pa lang kayo. Nasanay. Taz lumaki ang ulo. Wala ka nang magagawa jan,kung hindi latagan siya ng previous and upcoming expenses niyo para malinawagan siya. Stay strong and godbless. Kaya mo yan.. 💪😘

Magbasa pa
VIP Member

Tama ka naman po. Kung kaya mo silang tiisin, tiisin mo talaga na hndi na pagbigyan muna dahil priority mo po talaga magiging anak nyo ngayon