Rashes 😭😭😭
Rashes 😭😭 Any Recommendation po para mawala Rashes ni baby 😭 10days old po sya and ganan na po yung Nappy Area nya. niresetahan po kami ng Pedia Nya ng Cream. DRAPOLENE CREAM po yung nireseta nya kaso hindi po umeeffect sa kanya parang lumala po. sobrang naaawa na po ako. ano po kaya pwede kong gawin? pwede po ba kaya sa 10days old ang Calmoseptine? poop po kasi sya ng poop after dumede. mixed feed po sya Formula at Breastfeed po. #NeedHelpPo #firsttime_mommy #10daysoldbabyboy


mommy stop na agad yung drapolene kung lalo lumala at inform mo si Pedia na mas lalo po nag rashes si Baby.. then use cotton balls with warm water lang panlinis kay baby.. huwag ibabad sa diaper si baby kelangan every 2-3hrs palit agad kahit konti lang laman... pwede ka din magchange ng brand ng diaper baka hindi siya hiyang sa ginagamit mo ngayon.. pwede din mag lampin muna.. sa baby ko ang gamit namin cream yung Mustela barrier cream every change ng diaper Yun lagay agad para iwas rashes .. Pero yung Kay baby mo mas mainam na ipaconsult mo talaga ulit kay pedia kasi lumala
Magbasa pa