RANT lang po. Ganto po kasi yun, newly wed kami ng lumipat dito sa village na tinitirhan ng family ng asawa ko. Wala pa po kami sarili bahay, ayoko talaga sa idea na lumipat kami dito kaso, nakacommit na asawa ko nung dito sa bahay na lilipatan namin. So ayun, lumipat kami may mga sarili naman po kami gamit like, kitchen utensils etc. kasi nung naglilive in pa lang kami na malayo sa family nila, ako talaga nagluluto at namamalengke. Kaso nung nakalipat na kami iba na ang sitwasyon, sinsakop na lang kami ng biyenan ko sa pagkain. Mabait naman yung biyenan ko, kaso ayaw ko ng idea na ganun, share sa pagkain, ang katwiran ko kasi nagsarili na rin lang kami, dapat kami na lang mag asawa bahala sa pagkain namin,although nagbibigay naman kami ng pambili bigas at ulam. Ang mas weird at nakakainis lang, ayaw ng biyenan ko na maiiwan sya mag isa sa bahay nila, ang kasama lang kasi nya ay yung bayaw ko na lumalabas kapag gabi. at nagtatrabaho naman sa araw so sa umaga talaga bale sinasamahan ko sya sa kanila. Ang nakakairita lang po kasi, yung asawa ko may work din naman, di sya maiwan mag isa sa bahay kapag wala sya kasama dun, eh ako po since may bahay naman kami inuupahan, gat maari gusto ko syempre sa bahay namin. so ang ngyayari po, ok lang na ako mag isa iwan ng asawa ko sa bahay, para masamahan nya yung nanay nia. Masama po talaga loob ko, lalo ngaun preggy po ako at malapit na manganak, syempre po may mga gawain ako dito sa bahay na need ko ng tulong kasi malaki na tiyan ko. Paano ko naman magagawa un kung lagi wala yung asawa ko. Minsan kahit naman nanjan yung bayaw ko, mas gusto nia pa rin dun sa bahay nila magpahinga o tumambay. Yung biyenan ko naman parang wala man lang konsiderasyon sa amin ng asawa ko, sa totoo lang di naman nakakatakot dito sa village kasi magkakadikit lang ang bahay. kaya naiisip ko minsan nag iinarte lang yung biyenan ko. Gusto ko na umalis na kami dito. Halos wala na kaming privacy ng asawa ko, wala na kaming solo time, minsan kapag hindi umuwi ng gabi ung bayaw ko, dito natutulog yung biyenan ko sa bahay namin, sa kwarto namin. Ewan ko basta para sa akin weird yung idea. Hindi ako komportable. Naiinis ako sa asawa ko na parang manhid... Soon pagkapanganak ko at kapag nakahanap na ako ulit ng work, sana makalipat kami hiwalay sa family nila. Salamat po sa pagbasa ng rant ko, sama lang kasi sa loob ko, gabi na lang halos ang time namin ng asawa ko,kasi may trabaho rin po sya. kaso mas gusto nia palagi samahan nanay nia kesa sa akin.
Psi