SSS LEAVE CREDIT ALLOCATION
Question po mga mommies about sa SSS leave credit allocation baka po may alam kayo or naka experience sa inyo ng tulad ng nangyari saken. Kasi po nung October 2019 pa po na-file ng HR namen itong leave credit allocation para sa bf ko na nagwwork sa ibang company. Kaso natanggal sya sa work nitong Feb. Sabi ko sa HR namen nung Feb20 kung pwede bang bawiin ko nalang yung 7days kasi sayang di naman na mapapakinabangan ng bf ko dahil malapit na din akong manganak. Edi nagpunta HR namen sa SSS para mabigyan din ako ng update, tapos binalitaan ako after ko ifollow up at kulitin sya about dun, at sabi lang sa kanya sa SSS na hindi na daw mababawi yun at 98 days lang daw ang babayaran ng company saken instead na yung regular na 105 days for Mat Leave/Ben. Bawal na daw baguhin yung allocation dahil dapat daw bago daw mag allocate, dapat decided ka na daw dun sa pagbbigyan mo ng leave credit. Sabi ko sa kanya, na 100% sure po ako na binibigay ko sa bf ko yung leave credit kaso ang problema nga kasi natanggal sya and hindi naman din ganun kadaling maghanap ng work. Di ako convinced sa sagot ng HR namen kaya nagbakasakali ako na may maisagot na mas malinaw pag ako mismo ang kakausap ng taga SSS. So ayun na nga, nagpunta ako sa SSS at nagtanong, inexplain ko din ng maigi yung concern ko. Ang sagot ba naman saken di raw nya alam dahil bago lang daw yon na policy, basta alam lang nya baka di na daw mabawi yung allocation at humingi nalang daw ako ng additional 1 week na leave sa company. Sa totoo lang walang sense ang sagot nya. Bago lang ba yung 1 year nang naipapatupad yung policy na yan di pa rin nya kabisado or alam? Edi nagtanong nalang ako ng naiisip kong pwede nyang sagutin ng mas maayos. Tinanong ko sya kung san mapupunta yung 7 days worth of payment para dun sa allocation sana sa bf ko like papasok ba sa bank acct? Sa cheke nila? Or sa cheke na ibibigay palang saken ng company in a few weeks?. Sabi nya di nya daw sure. Eh diba paid nga yun na supposedly company ng bf ko ang magbabayad sa kanya kaso nga dahil natanggal sya di namen alam san na mapupunta. Nakakainis lang, dahil wala talaga syang maisagot na maayos kundi ang sabe lang saken hintayin ko nalang daw yung makukuha ko after Mat2 kung pumasok daw dun yung 7 days worth. So sabe ko, pag wala dun edi babalik ako dito? Sabi nya tignan daw namin. WTF!!! Ate mukhang jan ka na nga tumanda sa SSS dapat kabisado mo na lahat yan. Hindi naman yan inimplement kahapon lang eh! Nakakagigil. Sorry nakapag rant na pala ako eh nakakabadtrip kasi mga ganyang tao. Halatang pa-hayahay lang sa work kaya walang alam. Imposibleng di sila sineminar para jan sa new policy na yan eh.