HELP! BAKA PO MAY MAKASAGOT
Pwede po ba mag authorize lang ng kakilala na siya magpa encash ng cheque ko? Malayo kasi Land Bank dito saamin tas kabuwanan ko na. Takot ako bumiyahe. Please po sa nakaka alam.
Mommy may ibang bank na tumatanggap ng special power of attorney/SPA, nakaindicate po dun na you are authorizing someone on your behalf to encash your cheque. Mas maganda po na kamag anak mo or kahit sinong kaapilyedo mo para naman di na masyadong punahin pa kung kaano ano mo yung mageencash. Bring IDs na rin po. I work in a bank, and we allow some people to encash other people's cheque pero i make sure na complete yung docs (i.e., SPA, ID) not sure lang kay landbank. Pwede ring ipadeposit mo na lang kahit saang account ss bank meron ka whether payroll account yan or savings.
Magbasa paIt depends po if the check is payable to cash he/she can encash basta hindi naka crosscheck ha kasi pag crosscheck for deposit lng talaga sya kahit pa nakapangalan pa sayo. kung nakapangalan naman sayo ikaw talaga po mismo ang mag eencash need to bring valid id mas ok if govt id, unless may account ka kay landbank pwede nyo po ipadeposit na lng or other bank if meron one day clearing lang naman po basta pasok sa cut off time and walang prob ung check.. I hope it helps
Magbasa paPa help po ako saan po pwede mag papalit ng cheque pero ndi po samin nakapangalan yung cheque sa mother po namin eh nasa abroad po sya ndi po sya makauwi sa lebanon po kasi sya sa BDO po ayaw po kami payagan eh mga anak naman po kami at may special power of attorney naman po kami salamat po sa sasagot . Pa comment nalang po kung saang bangko po pwede ng special power of attorney po ang meron kami
Magbasa paHindi po pwede, ipadep mo na lang sa account mo (kahit iba ang banko mo) pag morning idep pwedeng after clearing hours same day credited na sa account mo, pag late na nadep tomorrow afternoon ang credit. Kung ikaw mismo papawncash, dont forget to bring 2 valid ids kasi pag isa lang dala mo sayang effort, mas ok kung govt issued ids ang dala.
Magbasa paMay I know if you work in the bank?? What bank Howcome after cut off time available na kagad ung check?
Ang alam ko din hindi pwede. Ganto nalang gawin mo kung may atm savings account ka padeposit mo dun sa uutusan mo ung cheke tapos sya na din pag withdrawhin mo sa atm mo.
SPA Mamsh, i just don't know if they will acknowledge authorization letter. Pero since encashment yan, i doubt if tatanggapin yan. Personal kasi dapat yan mamsh.
Nope, di nagtatanggap ng authorization bangko. Kung wla ka bank account, mag open ka po sa bangko na mlapit sa inyo at dyan mo deposit cheke mo.
Hndi po nila inaallow yun, based po sa experience ko. Kayo po mismo ang kelngan magpa encash nung cheque. Ipaprior naman po nila kayo if ever.
nagtry kme magpaencash may authorization letter na dala hubby ko,di pinayagan ng bangko.dapat ako daw talaga kaso complete bedrest ako
Kung sino po ang nakapangalan sa cheke, siya lang po ang pwedeng makapag-deposit. Need din po ng valid IDs.