Land Travel
Mga mumsh need ko advice niyo kasi mag land ttravel kami sa province from manila to isabela okay lang po ba bumiyahe ng 8-10 hrs. by land? and saan pwesto sa bus yung di po matagtag thank you so much
Ako nasa 1st trimester palang, kakabiyahe ko lang last Feb 22 papuntang Aurora Baler, but before that, I consulted muna sa OB para sure, and at first di ako pinayagan kasi risky ito for this period, KUNG magccommute, kasi wala kayong stopover dire diretso biyahe halos, good thing may sariling sasakyan naman pinayagan ako as long as may mga stopover para makapag stretch ng body at maglalagay ako unan sa bottom ko at back para support lang. I hope this will help. Consult your OB first Mumsh ha. 🤗
Magbasa paAsk permission from your OB muna kasi yung iba binibigyan ng gamot to keep the baby safe :) if di naman sensitive ang pagbubuntis mo, it might be okay to travel. I’m not an expert on this, but logically parang hindi matagtag sa middle. Pinakamatagtag sa likod.
Will consider po ito thank you .. pero will ask ob po 😊
Based sa experience ko. Okay lang naman mag land travel. Pero ngayong 9 months na ko mejo uncomfortable na ko mag long travel tsaka sobrang sakit na sa pwet pag matagal nakaupo. Hanggang 8 months naglaland travel ako hanggang sa kaya pa ng energy ko haha.
Pero it is safe po kaya 8-10 hrs. po kasi biyahe land travel ?
Sa unahan ng bus ka po pumesto para di ka masyadong mayugyug, wag dun sa pinakadulo or gitna. Mas okay sa unahan. Tapos dala ka unan mamsh na maliit ilagay mo sa pwet mo para soft. Nakakangalay bumyahi lalo na buntis. God Bless
Thank you po will consider this thank you po 😊👍
sa gitna kung saan wlang gulong mas safe pwesto, bkit? dahil sa unahan o dulo po may mga gulong po pag nadaan sa mga humps un makaldag.. dun ka matatagtag kya bilin ng katandaan dto smen sa gitna pwepwesto
Okay po will consider thank you 😊👍
Nakapunta na din ako ng isabela kaya alam kong sobrang layo haha and kung sensitive si momshie better kung madami kayo stopover para di siya mangalay sa byahe. And madaming snacks haha
Hmm sge po iconsider ko po to hehe thank you po
Inform nyo po si ob para maresetahan nya po kau kc rsky po tlga ang long hours of travel kaya ng reteseta po tlga ang ob gyne ng gamot specific for long hours of travelling
Ahh okay sige po nag inform naman na po kami kay ob waiting nlng sa reply thank you po
Inform ur OB ahead kc mgreresita xa ng pamparelax ng matres. Take it a day before you travel hanggang sa makauwi ka. 3x a day xa iinumin.
Okay will consider po ito thank you so much
ilan months na po ang pregnancy? If first trimester, i wont recommend na magbyahe ng ganun kalayo.. lalo na if maselan. Masyado matagtag.
Malapit na po pala hmmmm pero iask ko po muna si ob kung papayagan po kami ..
You better tell your OB regarding sa trip niyo ni Husband para makapag prescibe siya ng meds like pampakapit for safety purposes na din. 😊
Ako po si hubby 😅😅
Daddy of Paulites Johfer