Fetal Doppler

Pwede po ba bumili ng sariling fetal doppler? Para ma monitor heartbeat ni baby. May nakita kase ako sa shopee na fetal doppler. I'm just thinking kung oorderin ko ba for my own. Is it okay to have our own fetal doppler to monitor the babies heartbeat? By the way, i'm 16weeks pregnant. Thanks sa sasagot

19 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Pwede naman sis kung gusto mo lalo kung hndi ka gipit sa budget.. balak ko din bumili nooon kaso naisip ko in a few weeks mararamdaman ko naman na movements ni baby kaya tinabi ko na lang yung pera pambili ng vitamins namin.. 😊

Meron ako sis..binili ko nasa 17 weeks plang ako..ngayon 32 weeks na ako...mas nag decrease na kasi movement ni baby ngaun ang laki na ng tyan ko kaya di na sya masyado magalaw..kaya ngayon pag feel ko tahimik sya whole day..dinodoppler ko.

Its not a necessity talaga. Nasa sayo na yan kung gusto mo bumili. Para sakin di sya practical bilhin kasi after din lang ng pregnancy mo di na magagamit.. tpos makakaparanoid pag di mo mahanap heartbeat.. bka mastress ka lang. Haha.

3y ago

I agree...mas ok mag kick counter na lang. 5 months onwards naman palage na may movement si baby.

Pwede pero di naman advisable. Choice mo naman yan kung gusto mo laging naririnig. At 20weeks lalakas na rin naman ang galaw niya, kaya di na din ako bumili ng ganyan, baka maadik ako 😂

Auz lng momsh.. basta wg k po maconfuse sa maternal heartbeat at fetal heartbeat..😅

Yes naman po. Kung un ung makakapag panatag sayo na good ang heartbeat ni baby. ☺️

VIP Member

Pwede naman. Di na ko bumili, may OB advised against it. Fetal movement counting na lang daw.

5y ago

Nakakasama po ba sya sis? Kasi po bumili ako 13 weeks and 3 days po ako pregnant

VIP Member

Pwede naman po sa lazada or shopee alam ko may mga binebentang doppler.

VIP Member

pwede naman po para kahit nasa bahay kayo mapapakinggan nyo si baby

Okay lang naman. Ako bumili ng sariling fetal doppler.