pregnant

Pwede pa po ba ako magbuntis sa edad ko nga na 39 years old

54 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hindi pa po ako close sa edad nyo pero ito buntis po ako at 34 years old. PCOS case pa po ako, walang matinong period for almost 15years. Hindi ko rin po akalaing mabubuntis pa ako pero praise God, ito po na-bless po finally 😁 Kaya po 'yan sis, basta raw nireregla kaya pa! Healthy lifestyle po i could not recommend enough! Kayo po dalawa ng partner nyo kailangan healthy lifestyle, hindi lang ang babae. Ganyan po kasi nangyari sa amin ng partner ko, gym buddies kami na parehong nag-healthy living. Ayun, parang 1 week pa lang kami nagsesex may nabuo na 😁 (please dont judge, pareho na po kaming may edad hehehe).

Magbasa pa

Possible p nman po, pero medyo risky na.. Hanggang 35yr old lng po kc yung pinaka safe sa age ng isang babae pra mgbuntis, pag pataas nman po dun kadalasan ng kakakumplikasyon ang nanay at ang baby..

Yes sis....i am 39 right now at first time mom....hnd ko din inexpect n pwede pa....pero miracle happened at i am 12 weeks pregnant right now....tiwala lang kay lord....pray and pray lang....

Pwedeng pwede pa po yan basta wala nmang health issue.. Eat healthy Lang po at Iwas sa alcohol at cigarettes.. Ako po 43 yrs old 18 wks pregnant po FTM po.. Pray Lang po Kay God..

pwdeng pwd pa po yan, wag po kau mawalan ng pag asa dahil habang my buhay my pag asa... si Sarah nga po na sa bible ay nagbuntis ng 90 yrs old dahil hindi siya nawalan ng pag asa...

VIP Member

Pwedeng pwede pa po. My sis in law ako nabuntis ng 39 years old at nanganak siya 40 years old. Normal delivery pa siya at mga 2 hours labor lang siya.

Sis... pwedeng pwede... ako nga 42 yrs. Old ngaun. 1st baby...28 weeks and 5 days eh... high risk sa edad... over all health is Normal.

Yes po mommy. 37 yrs old po 2nd baby po kbuwanan ko npo ngaung june first born ko po is mg 10 yrs old po. By gods grace. Tc mommy

Pwede po nothing is impossible with God, me got pregnant at the age of 39, FTM at 40, I have now my baby boy at 6mos old πŸ₯°

Yes po! Mama ko nga po eh 42 sya nung ipinanganak niya ang bunso naming kapatid. Nothing is impossible po 😊❀️