Pwede na po bang gumamit si baby ng polbo?
Pwede na po bang gumamit si baby ng polbo? 4 months old po siya.
Nabasa ko lang po: "The Center for Disease Control and Prevention, and the Occupational Safety and Health Administration have said that repeated inhalation of talc might harm the lungs. The European Union has banned talc in health and beauty products due to health and safety concerns." "Inhaling baby powder (talc or cornstarch) can cause respiratory problems if it enters the lungs, especially in babies. There are no medically necessary uses of baby powder." https://www.healthline.com/health/is-baby-powder-safe#Is-baby-powder-safe?
Magbasa paMay nabasa ako dito na 4 months daw pero may nabasa rin ako na huwag daw muna hanggang mag 1 year old. Sana may sumagot sa post mo kasi curious din ako. Nagulat kasi ako sa mama ko. Bigla niya nilagyan ng pulbo yung bandang puwetan ng baby ko nung siya nagpalit ng diaper nung dumalaw siya. First time magpulbo nun ni baby, 6 weeks lang ang baby ko. Hindi ko pa naman kasi talaga pinupulbuhan.
Magbasa paako mii naglagay kay baby sa may pwetan lang kapag magpapalit sya ng diaper pero kapag sa dibdib at likod hindi ko nilalagyan.
big no no po, meron po ako sibling 3 months sya ngayon nag ask din kami sa pedia if pwede gamitan ng baby powder kasi pawisin si baby pero bawal daw delicate pa po ang lungs ng mga baby mas better if di gagamitan kasi naiinhale nila yon pwede mag cause ng lung complications ☺️
2years plus na baby ko pero di ko talaga ginamitan ng polbo. kung napawisan bihisan mo nalang at wipe mo ng tissue para madaling matuyo - huwag na po maglagay ng polbo.
mommy wag po. nakaka broncho pneumonia po and that is true po based on my own experience
pwedi napo sya momshie kaso ingat po sa mga ginagamit na product para kay baby baka hindi nya hiyang ung ginamit nyopo🥰
Yes po mii ang gamit ko rice powder ni tiny buds make sure na hndi nya nasisinghot ung powder at baka mairitate nose nya
yes mi but make sure lang na safe at talc-free yung ipagagamit mong powder like tiny buds rice baby powder 🤗
Not recommended mi as per our pedia. Di kse maganda para sa lungs ni baby ang pulbo and di pa naman talaga need yan
Pwd nmn po momsh at Depende sa bata if walang reaction after. Pero sa anak ko hindi ko ginagamitan ng polbo .
A mother of two ❤️??