Dyasselyn Lupan profile icon
PlatinumPlatinum

Dyasselyn Lupan, Philippines

Contributor

About Dyasselyn Lupan

First Time Mom ng Baby Girl ❤️

My Orders
Posts(10)
Replies(101)
Articles(0)

First Time Mom (Postpartum)

Long post. Rant and experience sharing. Wala pang two weeks si baby - kulang pa ng isang araw, pero yung emosyon ko parang isang taon na nakasakay sa rollercoaster. Induced labor dahil pumutok ang panubigan kahit wala akong nararamdamang contractions at 2cm dilated pa lang. Ilang oras nag-labor hanggang sa inatake na ng hika kaya ang ending, emergency C-section. Pinilit mag-breastfeed kahit walang lakas, dahil iyon ang pinaniniwalaan kong best para kay baby. Kahit na two days akong walang kain o inom dahil hindi pa nauutot/nadudumi, tuloy lang sa pag-breastfeed. Gabi ng Day 3 sa ospital, iyak lang ng iyak si baby kahit naka-latch oras-oras. Tapos ako, tulala na lang dahil alam ko sa sarili ko na walang nadedede si baby pero ang sabi ng lahat, tiisin ko raw kasi "mayroong nakukuha" at "maliit lang ang tiyan ni baby". Guess what? Day 4 ng tanghali, dehydrated si baby dahil walang nadedede kaya pinayuhan ng pedia na bigyan ng formula milk, pero need na lumabas ng ospital dahil exclusive breastfeeding zone ang mga ospital. Pag-uwi sa bahay, pakiramdam na walang silbi dahil ayaw na mag-latch ni baby dahil sa nipple confusion tapos wala rin ma-pump na kahit isang patak. Syempre, idagdag pa na hindi ko rin maalagaan ng full time si baby kasi hirap pa rin akong kumilos at nilalagnat paminsan-minsan. Pinanood, binasa at sinunod lahat ng makikitang tips sa internet tungkol sa breastfeeding, pati yung stop formula feeding, pero wala talaga. Pakiramdam ko, ginugutom ko ang anak ko. Puro ganun din ang sinasabi sa akin ng nanay ko, ng asawa ko, ng lola ko, ng tiyahin ko - "Bakit mo ginugutom ang anak mo? Bakit ba pinipilit mong mag-breastfeed kahit wala ngang lumalabas sa'yo?" Nagtanong-tanong sa mga forums, groups at iba pa. Kaso imbes na makaramdam ng support, mas na-depress lang ako. Mas marami ang nagsasabi na ipilit ko pa rin ang breastfeeding, na may mali akong ginagawa (like pagpapatuloy ng formula feeding) kaya wala akong gatas. Kaya one week after ko manganak, naisip ko na sana hindi na lang ako nagising after nang mga nangyari sa akin sa delivery room - tutal akala ko nun, mamamatay na ko sa tindi ng hika na naranasan ko. Pakiramdam ko kasi wala akong silbi - both sa asawa ko at sa anak namin. Pakiramdam ko pabigat lang ako dahil wala akong maitulong. Ramdam ko rin na dagdag gastos kasi kung anu-anong supplement, pagkaing masabaw, at lactation whatever ang pinapabili ko para lang magkagatas - pero wala pa rin. After nun, nagkagatas ako. Oo, nagkagatas - limang patak sa kaliwa at sampu sa kanan. Oo, bilang ko kasi pinapanood ko yung pump. Sa 30-minute pumping session ko, 15 patak lang nakuha ko. Pero masaya na ako. Kahit paano, may "best" milk akong maibibigay. Sa ngayon, 13 days after ko manganak, mapalad na akong makakuha ng 1oz sa maghapon - both sides combined na 'yan. Pero masaya na ako dyan. Bakit? Kasi naalala ko na may PCOS nga pala ako. Nag-research ako at nagtanong-tanong. Isa rin palang epekto ng PCOS ang low breastmilk supply. Kaya kung may nakukuha akong kaunti sa maghapon, dapat magsaya na ako kasi may iba na talagang walang nakukuha. Dito ko rin napag-isip-isip na ... - Hindi ako masamang nanay kung hindi ko kayang mag-exclusive breastfeeding kagaya ng ibang mga nanay. - Hindi kulang ang pagkatao ko kung hindi ko mapa-breastfeed nang tuloy-tuloy ang anak ko. - Ang mahalaga, buhay ang anak ko. Ang anak ko na muntik ko nang hindi makasama dahil sa may PCOS ako. - Ang mahalaga, malusog ang anak ko kahit na formula-fed baby siya. Kaya sana, huwag din tayong maging masyadong judgmental at masyadong demanding sa mga kapwa natin nanay na humihingi ng payo tungkol sa breastfeeding o mix feeding. Hindi natin alam ang tunay nilang pinagdadaanan. Hindi porket gustong-gusto ng isa na mag-breastfeed ay kayang-kaya ng katawan niya. Maraming factors kung bakit hindi makapag-breastfeed - at hindi lang dahil tamad sila o maarte sila. Let's be positive and support one another. #FirstTime #firsttiimemom #breasfeeding #formulafed #Mixfedbaby #postpartrumdepression #postpartum

Read more
undefined profile icon
Write a reply