Hello. Hindi pwede ma-expose ang baby sa mga matataong lugar, esp days old, mahina pa immune system nila. Uso pa naman ang Influenza ngayon dahil sa lamig ng panahon.
Kahit ang anak ko na turning 3 years old at updated sa vaccines and boosters, inadvice-san parin ako ng Pedia wag dalhin sa matao at mga playground such as kidzoona. Dahil sabi niya uso sipon at ubo hanggang February.
Mabuti naman at bilang FTM ay naisip mo munang magtanong. Importante para sainyo simbang gabi pero mas importante ang buhay at kalusugan ng anak mo.
Base on experience, mahirap magkaroon ng anak na may sakit. Sa bahay nga lang pwede na magkahawaan, mas lalo na sa labas at matataong lugar tulad ng aimbahan.
Ang simpleng ubo at sipon sa adult ay hindi simple kapag baby ang dinapuan, pwede mauwi sa pneumonia at ma-admit sa hospital dahil hindi na makahinga.
Kahit ikaw dapat ingatan mo sarili mo na hindi ka magkasakit.
Para sa 2nd question, okay lang umakyat baba mas advice ng mga OB yun. Wag ka lang magbubughat ngmabibigat at magpakapagod.
Magbasa pa
Threads: @s.a.r.a.h_m.a.e | TAP since 2020