24 Replies

May alagang pusa din po ako. Lalake sya and medyo masungit, naglalambing lang sya sakin kapag gutom na sya. Pero ngayon na preggy ako, malambing sya sakin all the time. Naisip ko, baka kasi alam nyang marami akong nararamdaman sa katawan ko and medyo hirap sa pagbubuntis ko, so baka in his own little way gusto nya pagaangin pakiramdam ko kaya nilalambing nya ako. Infairness effective naman. ☺

May pusa na gustong gusto tumambay sa tyan ng buntis.. ganyan ang naexperience ko sa alagang pusa ng ka work ko. Wala naman mali kung lumalapit sau yan.. malambing ang mga pusa nakakatulong marelax ka paminsan minsan.. basta siguraduhin na malinis o naligo ito bago mu hawakan para safe ka din. Beware also sa rabies.

Hindi po aswang yan momsh. Ako may mga pet cats ako and sobrang nakakagaan sa feeling pag naglalambing sila. Ganyan lang talaga sila sa buntis. They become more affectionate. Stress relievers ko mga pusa ko kahit sinasabi nang iba na masama cats sa buntis. Parang mas makakasama sakin if mawala sila sakin.

..ganyan din po Pusa at aso nmin...lagi din nila ako dinidikitan...kaso nalayo ako kc parang ayaw ko sa kanila ngaun kc tuwing lalapit cla s akin parang naiinis ako at bigla ako nabahin at parang nasusuka s kanila...dala cguro ng paglilihi ko kc lagi nila kinukuskos ung balahibo nila s paa ko ee.🙂🙂

VIP Member

naalala ko ung pusang ligaw sa bahay namin. wala khit isa sa kapit bahay namin my alagang pusa, kaya ung nkakita ako ng itim na pusa dun sa labas ng bahay namin. ang tagal makipagtitigan sakin. as in walang kurap, kinukwento ko sa pinsan kong my 3rd eye sabi nya totoo daw ung aswang.

Ganyan na ganyan pusa namin sis..dati d naman xa malambing d xa lumalapit samin o sakin pero simula nung nabuntis ako lagi na syang lumalapit dto pa sa tyan ko natutulog kahit naiinis ako minsan kc mabigat na xa pero hinahayaan ko nlng ayaw kc umalis

VIP Member

ang mga ganyang pets mommy malambing lalo na kpag alam nilang buntis ka kc nkakaramdam dn cla ng baby. it will give you lambing. mas mgworry ka kpg galing sa labas ung pusa at iba ang pinapakita pro own pet mo yan kaya no worries.

Ako din momsh may alagang pusa madalas syang mahiga sa tummy ko .. 😊 buntis din sya now .. 😂 sabi ko nga ang landi mo wala ka pang isang taon .. 😂😂

Malapit daw po kasi ang mga hayop sa buntis kc nararamdaman nila ung baby. Ung mga pet namin pag umaakyat sa akin never ko naisip yan na aswang sila haha

VIP Member

Hindi po aswang ang pusa niyo. Malakas lang po talaga ang sense of smell ng pusa. Minsan naaattract po sila sa mga hormones na pinoproduce ng pregnant.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles