Sa mga pinanghihinaan ng loob magpa BF, REAAAAAD!!

For Pregnant Members and Moms with Newborns May milk ka na pagka panganak mo pa lang. The body starts producing milk as soon as the placenta has been removed. Day 1 ni baby may colostrum ka na. Sobrang konti nyan na hindi mo makita na meron. Kailangan mong ipa-latch baby mo every 2-3 hours 24/7 round the clock para dumating ang mature milk. Huwag mag panic kung umiiyak ang baby hindi sya gutom at for sure may nadedede sya sa iyo. Umiiyak sya dahil 9 months syang nasa loob ng tyan mo at naninibago sya sa labas. Biggest misconception na walang milk. Meron pero kailangang mag-latch ang baby mo. Huwag na huwag bibigyan ang baby ng formula matutulog sya kasi apat ang tyan ng baka. Dalawang pang digest, dalawang pang absorb Samantalang ang sa human baby ay isa lamang at napakaliit pa kaya natutulog ang baby kapag naka formula kasi hirap na hirap silang i-digest ang mataas na protein contents ng formula. Dinadaan na lang ng energy nila sa pagtulog ang pag digest ng formula. Mataas ang protein ng cows milk kasi kailangan ng baka na tumayo na at makatakbo in 27 days while brain development ang target ng breastmilk. Kung magbigay ka ng formula at natulog ang baby mo, sinabi mo sa katawan mo na walang baby na dumedede kaya hindi sya magp-produce ng gatas. Yan ang dahilan kung bakit hindi mo dapat bigyan ng formula ang baby mo sa hospital dahil lalong hindi dadating ang mature milk mo at hindi kailangan kasi may gatas ka hindi mo lang nakikita pero meron, madede yun ng baby mo kung ipapa latch mo sya. Make sure you have an EBF advocate pedia. Ang tunay na EBF advocate pedia, hindi magr-recommend ng formula kahit ano pa ang mangyari. Dahil lahat ng breastfeeding challenges magagawan ng solution without formula. Dapat masunod ng hospital ang unang yakap protocol and rooming-in of your baby ASAP after birth. kung hindi, ito ay labag sa milk code at puwedeng i-report ang hospital sa DOH. Para makasigurado, gumawa ng birth plan at i-discuss ito sa OB at kukunin niyong pedia bago pa man manganak. Ilagay sa birth plan ang kagustuhan mong mag exclusive breastfeeding, pabantayan sa asawa or kasama mo sa ospital ang iyong sanggol para makasigurado na walang formula ang ibibigay bago ito ipasuso sa iyo at i-room-in. Magpunta sa informative posters, FAQ at Admin notes photo albums ng BFP andun lahat ang kailangan malaman. Napaka importante na sabihan mo ang pamilya mo na mage-exclusive breastfeeding ka, kadalasan ang mga well meaning family members ang mga dahilan kung bakit nagf-fail ang mom sa exclusive breastfeeding. Kunyari sasabihan ang Nanay na mag formula na dahil iyak ng iyak ang baby at dahil wala naman daw nakukuha na isang napaka laking maling akala. O kaya naman ay kailangang magpahinga kaya kailangang mag formula. O kaya e pumapayat na daw ang baby kawawa daw kaya mag formula na. O kaya e kulang daw ang gatas dahil hindi tumutulo. O kaya e kulang daw ang gatas dahil hindi basang-basa ang damit ng gatas. Ihanda mo ang sarili mo sa mga ganitong reaksyon. Kunin ang suporta ng iyong asawa at pamilya. Be firm with what you want. Mag attend ng breastfeeding seminar at isama ang asawa, nanay at byenan sa seminar para maintindihan nila ang halaga ng breastmilk at ang hindi magandang epekto ng formula sa inyong anak. Have the number of a breastfeeding counselor kapag pinanghihinaan ka ng loob. Huwag munang magpa bisita o limitahan ang oras ng mga bisita dahil magpapadede ka every 2-3 hours. Sa oras na pinanghihinaan ka ng loob, ang simpleng hindi pagdadala ng bote at formula ay makakapagligtas sa iyong sanggol sa formula. Ang emergency back-up na kailangan mo ay ang makapagtukoy ng breastfeeding counselor na makakatulong sa iyo at hindi ang pagdadala o pagbili ng formula. Kumbinsihin ang asawa na kunin ang lahat ng mga gawaing walang kinalaman sa breastfeeding katulad ng pagpapalit ng diaper at pagpapa ligo ng bago nyong anak, kasama na din ang mga gawaing bahay para matutukan mo ang breastfeeding ng iyong newborn 24/7. pagdating naman sa rooming-in ng iyong bagong panganak na sanggol. kung walang challenge si baby dapat naka room-in na agad sya kay mommy. walang doktor or hospital or sinuman ang puwedeng magpigil ng rooming-in ng bagong kapanganak na sanggol. ang lugar ng bagong panganak na sanggol ay kasama ang nanay nya. maraming mga sitwasyon ang sinasabi na kailangan daw obserbahan muna bago i-room-in kung hindi naman naka-incubator ang newborn, pwede syang obserbahan katabi ang nanay nya. kung jaundice naman daw, lalong pwede syang obserbahan sa tabi ng nanay nya. kung may series of tests daw, bilang magulang, tanungin natin kung ano ang mga series of tests na gagawin sa ating newborn. ang series of tests na gagawin daw, pwede pa ding i-room-in at kunin na lang ang newborn kapag gagawin na ang series of tests o d kaya sa harapan ng magulang gawin ang series of tests. kung nakitang naka swero ang iyong bagong kapanganak na sanggol, magtanong agad kung bakit. karapatan at tungkulin ng bawat nanay ang malaman ang lahat ng inpormasyon tungkol sa kanyang bagong panganak na sanggol at magtanong ng kelan, ano, bakit, paano ang mga proseso na gagawin kung meron man. lalo na at hindi pa daw nir-room-in Source credit: Fb group - Breastfeeding Pinays

20 Replies

Sa totoo lang sis hindi kami breastfed ng mommy ko pero lumaki kaming hindi sakitin. To think na mas healthy pa ang food nung panahon nila unlike ngayon sa panahon naten. My sis-in-law, lahat ng anak nya EBF pero mas sakitin mga anak nya compare sa anak ko na formula fed. My point is, hindi naman lahat ng nanay nabiyayaan ng gatas at maayos na nipple. Flat ang nipple ko kaya sobrang hirap ang anak ko kaya napilitan akong imix sya as early as 1 week. Ngayon sa 2nd pregnancy ko mas marami na ko nalalaman kung pano magpadami ng bf but that doesn't mean na kaya ko na. Sana po respeto na lang sa ibang nanay na hindi kaya magpaBF at piniling magbigay ng formula sa LO nila.

Im not saying na bawal mag formula feed lahat ng mothers. Im just simply sharing what Im learning from other people na gusto rin mag BF. Yes, ang pagbbreastfeeding is case to case parin. And those are not my words, its from a BF advocate din lang. I posted it for those INTERESTED in breastfeeding and be educated more about breastfeeding. Aware po ako na hindi lahat nakakapag breastfeed. I myself wasn't able to BF my firstborn due to personal concerns din. So I still have great respect for those who choose formula over BF. Pero it wont stop me from sharing what I'm learning to others parin. Thats all, thank you.

VIP Member

3rd day namin sa hospital kinuha si baby para paliguan at newborn screening. 2 hrs na nakalipas di pa binabalik si baby, nagworry ako kasi breastfed si baby for sure gutom na. Pinafollow up ko sa husband ko, may bumaba from nicu naghihingi ng bote ng gatas sa akin! E di talaga ako nagdala kasi alam ko bawal. Tapos binalik nila si baby after 4 hrs na hindi pa na newborn screening. Nung pinapadede ko na ayaw maglatch. Hay buti na lang umokay eventually si baby. Bago kasi yun hospital na yun wala pa silang sistema. No choice lang ako kasi emergency at walang vacant dun sa original hospital kun san ako nasched.

Yung nanay ng jowa ko ganyan eh. Pati mga tita nya.. payat daw ang baby ko kaya gusto nila i formula. Nakaka qiqil. Napaka pakialamera.. hindi na lang ako umiimik pero nababadtrip ako . Itong jowa ko nmn umoo din sa gusto ng nanay nya. Mga walang alam sa breastfeed at breastmilk. Grrr. Sinabihan pako na baka hindi daw healthy ung gatas ko kase hindi daw mataba ung baby ko. Gustong umusok ng ilong ko nung sjnabhan ako nun e pero kalma lang ako

Haha. Pasok sa isang tenga labas sa kabila nalang sis. Odi kaya pabasa mo to. 😂 Ganyan din mama at tita ko.. sobrang soaked up sa pamahiin kasi sila. Ako lang kasi ang successful breastfeeding sa family namin sa generation ng mga pinsan ko.. haha.

Yes. Wala pong nanay na walang gatas. Ano pa ang silbi ng dede natin kung wala naman palang milk di ba? Kaya nga tayo may dede para magpadede, kailangan lang siguro talagang buung buo ang loob mo at naka set ang mind na magpapa breastfeed. Kaya mga mommies, maging padedemoms na po tayo😊 Good for our babies, good for our bodies and good for our wallets.🙂

Buti nalang baby ko paglabas ginising ako, via CS. Tas sa recovery room nman pinadede c baby sakin pagktapos dumede nilagay sa dibdib ko papuntang room ko at ksama ko cxa sa room. Kukunin lang c baby pag pinaliguan ☺ kaya ngaun im EBF mom😊 1month & 6days na baby ko.

Ako habang buntis or kahit Hindi buntis minamassage KO po Dede KO, kea eto pang 3rd baby breast milk parin, nakakatulong din kc maging malapit ANG loob ng mag Nanay pag laki ng bata eh, lahat ng anak KO malambing sakin at marespeto,

VIP Member

Ako nun nung lumabas si baby hnd manlang pinayakap or pinadikit sakin.pinakita lang..nakakainis!.hnintay ko p nmn cia at pinilit n hnd makatulog dhl excited ako mahawakan cia..

Oh ayleast nakuha parin colostrum mommy 🥰 sa panganay ko rin nakuha naman nia pero konti lang kc ayaw nia na maglatch paguwi namin kasi naunahan na sya formula..

Bat ganun? 2 days ako sa hospi pero di ni room in baby ko. Ako pa mismo pinapunta sa nursery kahit sobrang sakit ng tahi ko. 😥

Ang habaaaaaa! Pero thank youuu!

Pa copy paste po hehe

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles