May iniwasan ka bang mga pagkain habang ika'y nagbubuntis?
May iniwasan ka bang mga pagkain habang ika'y nagbubuntis?
Voice your Opinion
Oo (share naman sa comments mommy!)
Hindi

5611 responses

645 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Coffee as much as I love coffee iniwasan ko talaga, though nakainom ako tikim tikim or 3 glasses of coffee lang buong pagbubuntis ko. And carbonated drink, I told myself pag panganak ko iinom talaga ko and I did ? tapos mga sashimi kahit gustong gusto ko and Samgyupsal na medium raw ang luto, Well cooked talaga kinakain ko. At yung Egg na di masyado luto ang yolk... Kahit favorite ko talaga medium raw food iniwasan ko

Magbasa pa
TapFluencer

Yes! sa First baby ko is paksiw! pati yung mga tahong like hahaha gusto kung pumatay ng tao tuwing nakakaamoy o nakakakita ako hahahaha. sa Second baby, Buwad (dried-fish) pinipiktosan ko partner ko tuwing magluluto siya ng buwad hahahahhaha

VIP Member

Yes.. Softdrinks at matatamis na pagkain. Bantay sarado si hubby ? kaya more on gulay ako now. Ayaw din kac tanggapin ng sikmura ko khit anong karne ng baboy, manok at isda.. Tiis2 muna para kay baby ?

Madami wala akong ganang kumain specially sa first tri.ko kaya naiinis sakin si hubby puro water at fruits lang ako.ngayonng nasa second tri.na ako kung mag crave ako yun lang pero may rice na

TapFluencer

talong, gustuhin ko man kumaen kaso madami matatanda nakapaligid saken at pinagbabawalan ako kumaen dahil baka daw paglabas e maging blue baby. sinunod ko na lang para matahimik sila ?

VIP Member

Dairy at halos lahat ng fave foods ko before pregnancy - sinigang, sansrival cake, chocolates, apples! I had GERD and food aversions for almost my whole pregnancy ??

VIP Member

Softdrinks at kape. Jusq kapeng kape na ako tapos gusto ko na din uminom ng malamig na malamig na cooooke ugh!!! Hahaha sorry baby Kyrie, moderate lang muna sa pag inom ng kape. Hehe

Iniwasan ko lahat ng maasim, coffee, chocolate, sinigang... Masakit kasi sa sikmura ko and i have ulcer. Kaya nung nagsusuka ako mas masakit sa sikmura kapag nakaen ko mga yan

VIP Member

Talong, crabs, pineapple, mga med cooked, processed foods, ibang canned goods haha hilig ko kasi non kumain ng century tuna ?? medyo umiwas din ako sa soft drinks.

fruits like pinya at papaya on my first trimester, yun kasi sabi nila iwasan muna hehe. ngayon iwas na sa foods na nagpapataas ng cholesterol kasi highblood minsan