NORMAL O OVERWEIGHT?

Pregnant 30 weeks Height : 5'2 Weight: 67kg NORMAL O OVERWEIGHT? Di kasi sinasabi ng midwife pati yung sa booklet di nila chinicheckan yung mga box doon kung normal lang ba or overweight na ako. Ano sa tingin niyo mga mamsh? Ang weight ko bago magbuntis ay 54kg, 7 months na po ako ngayon at nag gain na ako ng 13kg ? Edit: Nung ultrasound ko po 65.8kg ako that time 24 weeks pa lang ako normal naman si baby sabi ng doctor at maliit pa nga daw sa dapat na size niya ako daw yung tumataba hindi daw si baby. Wala naman siya sinabi magdiet ako so ayun kain lang ako ng kain kasi lagi akong gutom e. Ngayon 67kg na ko @30 weeks tapos may 2 months pa so meaning madadagdagan pa ako, kaya kinakabahan ako baka mag overweight na ako.

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako nung buntis Height 5'2 Weight before pregnancy 65klgs Nung unang mga months nababawasan pa ko ng timbang dahil ng lihi pero pagtuntong ko ng mga 25 weeks ata nadadagdagan na ko ng timbang pero nung manganak ako 70klgs yun bale 5 klgs lang nadagdag sakin

Magbasa pa

Ako nung nalaman kong buntis ako 76kg ako, then next month nah check up ako 73kg, then next 70kg, every month 3kg nawawala saakin. Ngayon 7 mos ako nag stock ako sa 60kg. Bumbalik timbang ko nung dati pa. I lost 16kg sa 7 mos na pregnancy ko.

5y ago

Ang ginawa ko ay more on water ako, gulay, prutas at kunting rice and nag milk ako. Yan lang kinakain ko since 1st day of my pregnancy. Since ayaw ko sa ibang pagkain nung 1st trimester ko ay nasanay nlang ako. Kung dati rati more on ice cream, burger, soft drinks ngayon ay hnd na. Actually bedrest lang ako kaya ge minimize ko pgkain ko since di ako maka galaw baka lumubo ako. Ngayon napaka healthy ng baby ko. Proper diet lang.

TapFluencer

hi mommy proper balance lang po ng pagkain I was 5"2 as well & pagpatong ko ng 6-9mos. I was just 62-64kls. lang ... kalakasan na po kasi kumain ng mga mommy kapag 8-9mos. hanggang bago manganak.

Ako nga 65 kls na 21 weeks palang pero sabi ng ob ko mas okay dumadagdag ang timbang. Papalaki kase ako ng papalaki at padagdag ng padagdag timbang ko. Mag worry daw ako pag bumaba timbang ko

VIP Member

5'5 ang height ko. Nung di pa ko buntis, nasa 54 to 55 kg amdg timbang ko. Ngayon na buntis ako for 30 weeks. Ang timbang ko ay nasa 58 to 59 kg. Underweight po ba ako or overweight?

Magbasa pa
VIP Member

Ako kasi sis 5'6 last chek up nmin 65kls. Ako bmaba ako ng 3kls.khit mlkas nman ako kumain, sabi ng ob k pd pko maggain ng 8kls. So un ang hnahabol k.. Pro c baby owkie nman ang weight..

Ako nga momshie 7months na din nasa 65 na ako..pero pag pinagdadiet kana ng ob mo saka ka mag diet baka kasi lumaki ng bongga si baby at ma CS ka. 😊😁

VIP Member

Overweight po. Normal range ng madagdag around 10 to 15kg pag nasa full term na si baby. Eh 30 weeks ka pa lang po. Dpat pag nasa 37weeks pa yan

Don't worry mamsh ako nga 15kg nagain ko during my entire pregnancy. Wala namang sinabi ang OB ko. As long as healthy kayo pareho ni baby.

Ako nga sis 5'4 34weeks 2days timbang ko 75kilo kya pngdadiet nko ng ob ko ung sukat dn daw kc ni baby sa tummy ko pngkabuwanan na