Ano ang pinaka challenging na naranasan mo while pregnant?
Ano ang pinaka challenging na naranasan mo while pregnant?
Voice your Opinion
Pagsusuka
Constipation
Moodiness
Pagkapuyat
Others (leave a comment)

8267 responses

221 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

CONSTIPATION.. grabe yan.. Yun tipong kada hihilab, hesitant ka pang ituloy ang pag CR kasi alam mo na yung kahaharapin mo.. Jusko, lagi akong nagpepray everytime nakikipag buno ako sa constipation.. Thank God kasi hindi ko naranasan yung ibang mga pregnancy symptoms pero etong constipation talaga, iba to.. I wouldn't wish this even to my enemies 😂😂😂 pero walang magagawa, kelangan pagdaanan gawa mga ng buntis..

Magbasa pa

For me, pagsusuka. Why? Because hindi natural sa akin yung magsuka and ang dami ko ring nafeel habang nag aadjust yung body ko. Sobrang sama pa ng pakiramdam ko 24/7 akala ko nilalagnat lang ako, and sobrang hilo at the same time, nangangatog ako. I'm glad na naging maayos na rin ako after ko mafeel yung ganong stage ng pregnancy. At the back of it lalo akong kumapit kay God to give me strength 🙏💖

Magbasa pa
VIP Member

Nausea, vomiting, not interested of eating anything,constipation on my 1st tri... Nung di ko pa alam na buntis ako nagpacheck up muna ako sa gastroenterologist kc feeling ko may mali sa tyan ko..then the doctor suggest na mag pt ako then un preggy pala ako kaya ganun nararamdaman ko 🤣 di na kasi ako umasa na mabubuntis pa 4 yrs paalaga sa ob walang nangayre then more than 6 yrs naming hinintay...

Magbasa pa

5 months na kong pregnant bago ko nalaman na pregnant ako. I thought kasi na pcos sya. Wala kasing kahit na anong senyales na pregnant ako except sa hindi ko pagkakaroon ng period. Irregular kasi ako eh. Hehe. Kaya todo alaga talaga ako now kay baby ngayon. Gusto ko punan ung 5months na un para alagaan ang baby ko ❤

Magbasa pa

when my bf found out that im preggy, he leave me. he don't want the baby, he wants abortion. kaya ang hirap sa sitwasyon ko yung preggy ako na wala support (moral/financially) from the father of my baby.. worst is, blinocked pa ako para di ko na xa macontact

Lahat but the worst thing ay ang pagsusuka. Parang gigive up na ako sa sobrang sama ng pakiramdam ko after vommiting. Di ko alam kung saan ako kakapit (hindi literal) pero nakasurvive. I'm on my 35th week already ♥️

Lahat lahat..ung palagi nagbbleed konting galaw. Hilo suka takot constipated bsta laht..unlike s una wla me nrmdmn tpos aftr 13 yrs mabuntis kbliktrn nmn😥 pero salamt sa dyos at d nya kami ni baby pinabayaan..

VIP Member

pagsusuka talaga at hilo more than 4 times ako sumuka sa isang araw yung feeling ko may malala na akong sakit halos di na ako makakain at inum ng tubig dahil lahat inilalabas ko tapos sobrang payat ko na.

Thankfully, wala ako naranasan sa mga yan pero dahil IVF treatment ako, everyday ako natuturukan ng gamot sa puwet hanggang nagkaheartbeat si baby. Umabot sa point na umiiyak na ako wala pa needle hehe

All of the above. Lalo na ang pgkahilo at pagsusuka halos araw araw. Lahat ng kinakain ko konting minuto lang sinusuka ko dn agad 😥 ganito po ba talaga? Ftm here, 12 weeks.