hi mga moms,paano kapag sinabi ng partner mo na di kna mahal at para sa mga bata nalng, mkisama kpba

13 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

hello mommy. sa mga ganitong sitwasyon po ang naiisip ko lagi ung nakita kong quote sa facebook. your children cannot choose who their father will be. but you, as their mother, can. kung ako po nasa sitwasyon nyo mommy, titimbangin ko po muna. will he be a good father to my children? kasi if the children will see that their parents are not okay, more or less po un din ang kahahantungan nilang relationships kasi un ang nakagisnan nila. pero kung sa tingin nyo po magiging mabuting ama ang asawa nyo, subukan nyo pa pong iwork out. pagusapan nyo po kung ano ba ang problema. madalas yan ang dahilan ng paghihiwalayan ng magasawa, lack of communication. magligawan po kayo ulit. mutual po dapat ang pagmamahalan sa isang relasyon. mutual din po ang pagaadjust. you need to work it out together. a child from a broken family has a tendency to end up having his/her own family broken. ang pamilya nya po kasi ngayong lumalaki sya ang magiging foundation nya. good luck and God bless mommy. sana po malagpasan nyong magasawa kung anuman po ang pinagdadaanan nyo ngayon.

Magbasa pa
2y ago

basta mommy lagi mo timbangin ang sitwasyon. maliban po sa pagihing tatay nya, asawa nya pa din po kayo. kung di na po makuha sa paguusap, maybe just let him be a good father but let go of him as a husband. mahirap po siguro ang sitwasyon nyo di ko po maimagine. pero sana, lumawak ang pangunawa ng bawat isa sa inyo. wishing you the best mommy.

For me syempre maghiwalay na kami. Iba po ang epekto sa mga bata/anak kung ang mismong mga magulang is hnd nagmamahalan at walang respeto sa isat isa. Always remember na mas ok na mag karoon kayo ng healthy co-parenting. Kaysa ung nakikita kayo ng anak nyo na magksama pero hnd naman masaya. Saka, eventually you will keep asking ur self bakit hnd ka na nya mahal. So dapat ikaw alam mo ang worth mo as a person. kapag alm mo ang worth mo, Hindi ka matatakot na iwan ka ng lalaki. Kahit mahirap ang buhay. At least may peace of mind ka. Sa 10yrs naming mag karelasyon ng hubby ko. nung wla pa kami anak at kahit ngayon na may anak na kami lagi ko sinsabi sknya na "Hindi ako takot na iwan mo ko at kami ng mga anak natin kasi una, Kaya ko sila buhayin. 2nd hindi lang ikaw ang lalaki sa mundo. 3rd, kaya ko sila palakihin kahit wala ka." Ito real talk ito mga sissy, May mga lalaki kasi na kapag alam nilang ang GF/LIP/wife nila ay masydo silang mahal na mahal kahit magpaka martir pa, dyan sila usually kumukuha ng kakapalan ng mukha pra magloko.

Magbasa pa
2y ago

salamat sa advise mo momsh, kabuwanan ko kasi ngayon di ako makapgdecide kung pgbbgyan kopa ba or suko na may part sakin na umaasang maayos pa.

Pag isipan mong mabuti magiging desisyon mo. Sobrang napakahalaga ng magiging desisyon mo lalo na't mga anak niyo ang higit na maaapektohan. Sa lahat ng sitwasyon, may kanya-kanyang rason yon. Subukan nyong pag-usapan at ayusin ang puno't-dulo ng panlalamig ng feelings nya para sayo. Try mong iwork-out muli ung relasyon hanggat pwede pa para sa mga anak nyo. Pero wag mo ring kakalimutan yong worth mo as a woman. Do your part and best para mapanatiling buo yong pamilya niyo. Pag ayaw nya parin, then it's his lost. Nasa sayo po ang desisyon ma'am. Ask guidance from your trusted person. Yong hindi ka ijujudge at makikinig sa side ng bawat isa sa inyong mag-asawa. It can be your parents or professional counsel. Ingat po lagi ma'am at pakatatag ka po. Don't forget to ask guidance from GOD. Pray lang po.

Magbasa pa
2y ago

grabe mga lalaki

Anak ng pato cia.. Ano un.. After all. Gnon gnon nlng... E d wow kamo.😡 For sure my iba n yan kaya nanlamig Buhay pamilya.. Well andyan n yan.. *Never beg love from someone who doesn't want to be part of your life. No no no yan momi. *mas mabuti pa mging co-parents kau. Pra mapa laki ng maayos ang bata.. -kesa lumaki ang bata n nakikita ang situation nio n hnd maayos, wala pg mamahal. -iba n mga bata ngyon.. Mas matalino at mas observant cla. At mas matalino. *hnd masama mging broken family kesa buo ang pamilya sira ang relasyon s loob ng bahay. *kung ayaw n sau. Let him.. *Then prove him what his lost. * Improve your life. *have work, more time to your child, be happy.. Soon you will be proud of your self na kinaya mo lahat na wala cia..

Magbasa pa

Love yourself at Deserve mo din balang araw makatagpo ng lalaking mahal ka at mamahalin din ang mga anak mo na para na din tunay na mga anak niya.. Kaya hiwalayan mo na yan mii.. Balang araw maiintindihan ka din ng mga anak mo.. Malaking pagkakamali yan desisyon ng partner mo.. Ang totoong nagmamahal mawala man ang " spark" sa pagsasama gagawa siya ng paraaan para ikaw at ikaw lang o kayo lang magsasama habang buhay.. Yun ang Unconditional Love😊 kaya yaan mo na siya mommy. Pede pa rin siya maging tatay sa mga anak niyo kahit di na kayo magkasama.. Wala may gusto ng broken family pero wala din may gusto ng Toxic na pagsasama sa isang pamilya. 😊

Magbasa pa

kapag sinabi yan sakin, maghiwalay nlang. di ko sasayangin natitira kong buhay na ksama ang taong alam kong hndi ako mahal at pinamukha pa sa aking anak nlang namin ang nagpapastay skanya. mas mabuti ng ganyan kesa isang araw mahuli mo nlang na may kabit na. doble sakit nun. tandaan mo, kahit pa kinasal n tayo or nagkaanak na, tao p rin tayo. may sarili pa rin tayong buhay at kaligayahan.

Magbasa pa

SUS! LINYAHAN NG MGA LALAKING MAY KABIT YARN😂 WAG KA PAUTO MI!! Selfish yan siya gusto niya nasa iisang bubong kayo para nasa poder niya mga kids niyo habang siya may ibang kinakasama😂 GORA mo na siya.. Deserve niya maiwan mag isa. Pwede naman siya sumuporta financially kahit di na kayo.

grabi nmn Yun Mii .. Kung Hindi po kayo kasal pwede Naman pero Kung kasal kayo wag niya parin kalimutan ung responsibilidad sa mga anak niyo .. ako kc Mii kasal kami kaya ndi ganun kadali maghiwalay lalo nat nangako sa isat Isa ..

That’s honestly hard. Only you will know what’s best for you and your kids. Most especially, your kids. Because at the end of the day, walang anak na gugustohin sira ang pamilya nya.

hindi na, bat Naman ako makikisama kung di Naman na ako Mahal. Ang sakit Naman, kung ako focus nalang ako sa self ko and kids