3777 responses

Me and my husband have been married for 2 years now. Sa unang year namin bilang hubby and wifey sinulit muna namin ang bonding together,kasi kapag my baby na mag iiba na kami ng priority. We planned to have a baby on our 1st year. Pinagdasal namin na magkababy at mismong sa Month ng 1st anniversary namin nalaman ko na preggy ako. Super happy kami kahit LDR kami kasi nasa business trip ako for 2 weeks that time. Nalaman ko nasa USA ako nun and then I called him na buntis ako. Sa sobrang saya nya kahit nasa US ako nagpadala sya ng flowers at bear. Iba yung pakiramdam kasi 1st baby namin. Pag uwi ko ng Pinas from US nagpacheckup agad ako .okay naman si baby kaya lang after 10weeks nawalan sya ng heartbeat.Sobrang sakit at sobrang iyak namin nun. Nanghina kami . Pero after ilang months sinubukan ulit namin halos monthly ako nagchcheck kung positive naba ulit kaso after 5 months of trying negative padin Hanggang sa ayoko na umasa. Hindi na ako nagcheck ulit.hinayaan ko nalang kung ano man ang mangyari. Then one time nagkaroon na naman kami ng business activity, ito ay sa Boracay so LDR ulit kami. Habang nasa Boracay ako, ramdam ko na masakit na puson ko at magkakaroon na ako.mabilisan lang akong naligo sa beach kasi magkakaroon na ako. Hinintay ko pero hanggang makauwi kami wala padin. Pag uwi namin galing Boracay nag PT ako ulit. At sa wakas positive hindi ako makapaniwala, sobrang iyak ako. Tinawagan ko si hubby ulit habang umiiyak ako.Akala nya my ngyari sa flight namin pauwi ng Manila from Boracay kasi yung iyak ko daw para daw akong nanakawan haha pero binalita ko sakanya na buntis ako. Napasigaw siya habang nasa office. Dahil hindi kami makapniwalA naka 5 times ako mag PT haha ibat ibang brand ng PT. Kinabukasan nagpacheckup ako at positive nga!!! Galing ni Lord binigyan kami ng blessing sa panahong hindi na namin inaasahan.
Magbasa pa


