Pampalakas loob lang mga brave mommy diyan, First time mom po ako. 22 years old, currently 23weeks

Preggy , maliit po ako na babae, sobrang kinakabahan po ako, kasi bukod sa mababa lang pain tolerance ko, lagi ko iniisip kung kakayanin ko ba ang sakit sa panganak 🥺. 3months pa pero legit di maiwasan kabahan ako. Tipong masakit lang tiyan ko nanghihina/apektado na buong katawan ko. Sana tolerable lang yung sakit na ipaparanas saakin ni God sa panganak 🙏.

31 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Yung totoo, ang labor ang pinakamasakit. Yung tipong di mo alam san ka hahawak sa sobrang sakit. Iexpect mo na na masasaktan ka nang sobra. Hindi sa tinatakot kita. Mom of 2 ako. Sa una ko, nag-epidural ako pero parang ganun din, ramdam ko pa din ang labor pain. Di ko lang naramdaman ay yung sa pag-ire at pagtahi ng pempem ko. Pero after mawala ng anesthesia, ramdam mo na naman lahat ng sakit. Nung sa pangalawa ko, di na ko nag-epidural kasi dagdag lang sa bill tsaka ganun din naman, mararamdaman at mararamdaman mo pa din ang sakit. Tapos grabe yung laki nung pangalawa ko, 4.26kilos pero nai-normal ko. 😂 Dasal lang talaga ang kailangan mo at lakas ng loob. Kapag nailabas mo na baby mo, sobrang sarap na sa feeling, lalo kapag nakita at narinig mo na yung iyak niya. Tsaka yung unang yakap. Sobrang worth it lahat ng pain. Kaya mo yan, mamsh! Laban lang! 🙏

Magbasa pa