Gestational diabetes

Hi po..tanong ko lang po kung cnu po senyo ang nakakaranas ng pinagdadaanan ko. First time mom po, high risk pregnancy at may gestational diabetes. Nagmomonitor po ako ng blood sugar ko for 7 days. Ist day ko pa lang today pero kabang kaba na ko sa kinakalabasan ng result ng blood sugar ko.

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako po diagnosed with GDM bandang 8 weeks palang ng pregnancy. Maaga ako pinag OGTT kasi may lahi talaga kami diabetic. Same sa ibang mga mommy nirefer din ako sa endoc at nutritionist. Binigyan ako ng endoc nga 2 weeks to monitor yung sugar ko 4x a day. Pag di nanormal, mag insulin daw ako. Awa ng Dios, kinaya ko naman ma normal sugar sa tulong na din ng diet na bigay ng nutritionist. After nun ganun pa din, monitoring ng blood sugar 4x a day at diet. Kabuwanan ko na ngayon at so far dahil sa pagsunod ko sa kanila normal naman lagi result ng sugar ko at walang naging complications si baby. Di rin sya lumaki ng sobra. Manifesting na maging maayos, normal at safe ang delivery nya.

Magbasa pa