Gestational diabetes
Hi po..tanong ko lang po kung cnu po senyo ang nakakaranas ng pinagdadaanan ko. First time mom po, high risk pregnancy at may gestational diabetes. Nagmomonitor po ako ng blood sugar ko for 7 days. Ist day ko pa lang today pero kabang kaba na ko sa kinakalabasan ng result ng blood sugar ko.
ako Mommy may GDM din nung nagbuntis ako Kay 2nd baby ko mga 3mos palang ata nadetect na yung diabetes ko.. nirefer ako ni OB sa Endocrinologist tapos may dietitian din ako para ok ang kinakain ko per day... so far sinunod ko sila lahat sa umpisa ganyan 4x a day kuha ko bloodsugar everyday Yun hanggang sa 3x a week yung 4x a day hanggang sa malapit na ko manganak once a week nalang yung monitoring ko... kasi nacontrol ko yung sugar ko thru diet lang.. at may monitoring din ako ng hbA1c at may Isa pa limot ko na tawag Pero lahat Yun normal lagi ang result ko.. so far wala naging complications sa anak ko ng dahil sa GDM naipanganak ko siya via CS dahil Suhi ang naging kumplikasyon lang at na NICU dahil sa UTI ko at hindi dahil sa diabetes .. advice ko lang sayo mi Sundin mo lagi si OB at pwede ka din magpa refer sa Endo para mas mamonitor ang status mo.. delikado ang GDM Pero kung makocontrol ng diet mas mainam kung hindi naman yung doctor mo ang mag advice kung need mo pa insulin.. pray lang palagi mommy at think positive...
Magbasa paHi mii, GDM din ako kpapanganak ko lang this March 8 normal delivery.. diet controlled noong una pero di rn kinaya, pinag metformin ako ni Endo 2tabs morning and 2tabs evening, kaya na control na with proper diet tlga, pero pagdating ng 33weeks hnd n tlga macontrol un fbs kya dinagdagan n ng insulin 8units, pagdating ng 37 weeks ginawang 12units, minsan kht talagang nka diet may time na nag sspike na tlga lalo pag malapit na sa due date. Pero thank God ok sugar ni baby paglabas, ako din po ngayon naka monitor parin sugar twice a day babalik kay Endo after a week, so far normal lahat ng sugar ko. Basta sundin nyo lang po lahat ng sasabihin ni Ob at Endo, magiging safe po kayo ni baby kht may meds or insulin. sa una lang po mahirap pero kakayanin nyo rin po yan para kay baby💗
Magbasa paAko po diagnosed with GDM bandang 8 weeks palang ng pregnancy. Maaga ako pinag OGTT kasi may lahi talaga kami diabetic. Same sa ibang mga mommy nirefer din ako sa endoc at nutritionist. Binigyan ako ng endoc nga 2 weeks to monitor yung sugar ko 4x a day. Pag di nanormal, mag insulin daw ako. Awa ng Dios, kinaya ko naman ma normal sugar sa tulong na din ng diet na bigay ng nutritionist. After nun ganun pa din, monitoring ng blood sugar 4x a day at diet. Kabuwanan ko na ngayon at so far dahil sa pagsunod ko sa kanila normal naman lagi result ng sugar ko at walang naging complications si baby. Di rin sya lumaki ng sobra. Manifesting na maging maayos, normal at safe ang delivery nya.
Magbasa paI was diagnosed gdm. everyday monitor ang blood sugar ko 4× akong nagpprick 😫 Nirefer ako ng ob ko sa endocrinologist then napunta naman ako sa dietician-nutritionist para magkaron ng meal plan.. Super diet ako to the point na kahit gusto mo pang kumain pero hindi pwede kasi once na lumampas ka sa dapat na dami ng meal mo eh tataas ng bonggang bongga ang sugar level mo.. at pwede kang mag-insulin kaya dapat madaan sa diet. Nagresearch ako about gdm high risk siya kasi pwedeng ma-cs ka or mawalan ng heartbeat si baby while in the womb.. Pero thank God nacontrol ko naman at hindi na ako naginsulin.. btw, na-normal delivery ko si baby hehe. Goodluck mi!
Magbasa paHi Maamsh, ako din po may gestational. Diagnosed last Dec.2022. Overt diabetes na nga daw (mas mataas sa gestational). Pero diet controlled pa din (33 weeks now) Mas madami po yung controlled results pero minsan nagsspike pa din. Sabi ni OB, wag daw magdiet, pero controlled lang yung mga kinakain. like yung mga portions ng food kada meal. Nirefer niya ako sa nutritionist to know kung anong meal plan ang okay :) And now, fortnightly ultrasound pinapagawa ni OB para mamonitor din si Baby :) God bless maamsh! Pray lang din. Kakayanin! :)
Magbasa paSalamat po.. God bless din po
ako din gestational diabetes . 7months na yung baby ko. ni refer ako sa dietary at binigyan ako ng diet meal chart.. nag ogtt ako bago lang din (march 10 ) yung fbs (ogtt) 81.10 range 95 normal naman ,1hour 175.10 range nya 180 ok naman din ,2nd hour 159.40 range nya 155 .tumaas sya hindi ko alam kong bakit sya tumaas sa 2nd kasi uminom ako ng mineral water kasi na uhaw ako kunti lang naman pero biglang tumaas. naka diet ako ngayon .kabang-kaba ako.
Magbasa paHypertensive and may GDM po ako nung preggy sa bunso ko. Tamang sunod lang sa OB sa mga reseta niyang gamot at advises niya. Nanganak naman po ako via normal delivery. Bawas lang talaga sa rice and all. Disiplinang maigi talaga. Alam ko mahirap po kasi ako din mismo nahirapan pero para sa baby tiniis ko po talaga ang mga nakaka trigger ng sugar at bp ko.
Magbasa paako Mii monitoring ako sa sugar ko nag 103 lng sugar ko pero pinag monitor ako at pinapunta ako sa dietary ng ob ko ngayon tlgang Todo diet sa Pag Kaen iwas sa mga sweets nagbrown rice nlng ako Gaya ng Sabi ng dietary na pinuntahan ko , kaya medyo namayat ako now , Takal ang kanin ko
First trimester din po kau?
gaano po kataas ang blood sugar mo base sa monitoring mo everyday? kasi ganon din po ako 3 beses ako nag glucometer last month then nung nkita na ng doctor ung result nging once a day nalang. Usually nsa mga 96 mgdl sugar ko if may kain ako.
Normal naman po yung 108 wag lang lalagpas sa 140 test mo after kain. ako nga po ih 185 nun nagpa Ogtt test ako. pero di naman ako sinuggestan ng glucometer. diet nalang daw ako..
Hi! Ako din monitoring since 8 weeks. 32 weeks na ako ngayon. Hindi pa din nagiinsulin kasi strict diet, pero may mga araw na may spike ako pero okay lang basta majority ng blood result ko is nasa normal range lang 😊