Posting this para makatulong sa ibang mommies.
Kahapon ko lang nalaman na may free swab testing pala sa RITM Alabang 24/7.
Philhealth details number lang po hiningi sakin, yung request ng OB ko di na hiningi sa triage sabi sakin ng nagaassist doon basta daw pregnant and at least 8 months di na need ng request from OB, nagdala lang ako just in case. Buti nalang din sinundan ko advice ni OB na gabi pumunta. Pumunta kami doon around 10:30pm walang ibang tao at all kaya saglit lang yung buong process and mas safe para di maexpose sa ibang tao.
4k yung price na nakalagay sa billing pero if may philhealth ka, walang babayaran at all. Makukuha din result in 2-3 days. Ang laking tipid lalo ngayon na need na need natin ng budget pang panganak 🥰