Nag-post ka ba sa social media para malaman ng friends mo na buntis ka?
Nag-post ka ba sa social media para malaman ng friends mo na buntis ka?
Voice your Opinion
YES
NO

2836 responses

41 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

in my case. madami talagang natuwa. pero un mga taong inaasahan ko, which is family side ng LIP ko, no comment sila. naalala ko, lagi sinasabe ng mother ng LIP ko sana maayos muna dapat ayusin bago mag baby. kaya alam ko di nya fully tanggap to. nakakalungkot lang. pero laban lang ng laban sa buhay. 😊😇

Magbasa pa
4y ago

lavarn. in time matatanggap din nila yan. ako nuon nung sinabe ko sa parents ko na buntis ako syempre d sila natuwa. lalo na hindi pa kami kasal. saka wla pa kami 1 yr ng bf ko nun na asawa ko na ngayun. ayon awa ng dyos, yung tatay ko at anak ko magkasundong magkasundo ngayon haha. tapos ung nanay ko sabe nya mis na daw nya yung apo nya sakin. :)

oo kasi ayokong machismiss pa at magulat silang nanganak na pala ako pero di nila nabalitaang buntis ako. kaya inunahan ko na sa pagbalita ang lahat sa fb. anyway updated naman sila kahit pa mga kapit bahay lalo pa pag buntis na ang case hahaha

VIP Member

No, mas private kahit di sikat ok para less stress mahirap kasi nasa judgemental society. Ang mahalaga alam mong tanggap both side ng family. And safe kayo ni baby.

Nag chat ako sa mga close friends ko talaga... Tapos mga ilang weeks nag post ako sa fb madami kasi nag sasabi hindi ako magkaka anak kasi mataba ako 😂

VIP Member

Ako after ko lang manganak saka nagpost sa Fb. Daming nagulat.😂 pati ako unexpected kasi 18 weeks ko n din nalaman na buntis ako. #PcosWarrior

VIP Member

No. Sabi daw kasi ng matatanda, saka nalang sabihin pag malapit na manganak, para daw hindi maunsyami. Sa takot ko hindi ko muna pinost hehe

hindi haha. nag post ako nung nanganak nako. pag nag ppost ako puro mukha lang saka bihira pa. ayoko may makapansin na buntis ako nun e.

no .. ang dami kasing chismosa at inggetera. dagdag lang sa stress only closest relatives and friends lang nkaka alam

nagpost ako ng 3 months na ang tummy ko. 😁 marami kasing excited sa pagbubuntis ko dahil unang apo sa side ng asawa ko☺☺☺

TapFluencer

Hahaha oo. April 1 namin naconfirm na buntis ako kaya pinost ko kaso di sila naniwala dahil akala nila April fools lang 😅😆