UTI ( 50 pus cells)

Possible po ba gumaling ako kahit tubig lng gawin ko kasi nagdadalawang isip akong bumili ng cefuroxime pinapainom sakin ng ob ko 3x a day tas 500mg pa. 2nd baby ko na kasi to. Malaking epekto dn kasi sakin sa unang baby ko nung nagaantibiotic ako mas lumala pagiging makakalimutin ko. Tska feel ko po hnd ko dn matatake kasi maselan ako ngyon hnd ako makakain ng maayos dahil suka ako ng suka. Kaya naisip ko magwater therapy nalng ako. Ano po sa tingin nyo mga mommies?

32 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hindi po. As much as possible kapag niresetahan ng antibiotic, makinig po kayo sa OB. Ako nga 3 liters ng water na iniinom ko a day, nag antibiotic na din ako for 7 days pero hindi nawala un UTI ko. Since 20 weeks ginagamot na un uti ko pero wala pa din. Nagcause pa ng preterm labor ko un UTI ko nun 30 weeks ako kaya naconfine pa ko.

Magbasa pa