UTI ( 50 pus cells)

Possible po ba gumaling ako kahit tubig lng gawin ko kasi nagdadalawang isip akong bumili ng cefuroxime pinapainom sakin ng ob ko 3x a day tas 500mg pa. 2nd baby ko na kasi to. Malaking epekto dn kasi sakin sa unang baby ko nung nagaantibiotic ako mas lumala pagiging makakalimutin ko. Tska feel ko po hnd ko dn matatake kasi maselan ako ngyon hnd ako makakain ng maayos dahil suka ako ng suka. Kaya naisip ko magwater therapy nalng ako. Ano po sa tingin nyo mga mommies?

32 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Uminom ka ng gamot lalala yan baka magaya ka sakin naconfine aq ng wala sa oras puro dugo na ang ihi q.. D na kakayanin ng antibiotic. Napagastos tuloy aq ng almost 28k for 3days.

Ang taas po nyan. Ako 10 to 25 pus cell pinagantibiotic ng 1 week. Nagcause kasi ng blood at contractions. Pwede ma preterm po yn. Sundin po si ob. It safe po kpag reseta nila.

TapFluencer

Sis,bka di na kayanin ng water lng ang UTI mo alam nmn ng Ob kung safe ba sau ung antibiotic and ung pagiging makakalimutin mo hindi un dahil don its becoz of the anesthesia.

Aken naging anemic ako. 28 pus cells akin 2x a day inom ko nyan, Grabe bumaba timbang ko dahil sa uti di ako makakain/makaligo/ nilalagnat ako ng sobra.

Ako po buko every morning lang po at water po nawala uti ko..pero sa ganyan kataas na dapat sabayan na po talaga ng gamot po kasi makakasama po yan kay baby

5y ago

Thankyou po nakabili na po ako ng gamot ♡

Ganyan din po nireseta saken nung 2mos preggy ako. Okay naman kasi okay sa pregnant ang cefuroxime. 3x a day talaga iinumin

Kailangan mong inumin yan mamsh sobrang taas ng UTI mo pwede kang mapaaga manganak pag di gumaling UTI mo.

Try niyo po one week inumin yung gamot then sabayan niyo madaming water, buko juice tsaka cranberry kuice

VIP Member

Water therapy tlaga .. Pero pg grabe na .. Bilhin mo ung gamot sis .. Pra d maapektuhan c baby mo ..

Mas mgnda po mag anti biotic para mapatay po tlga yung bacteria.. medyo madami po ung pus cell nyo..