No heartbeat 8weeks and 6 days?

posible po bang hindi makita ang heart beat ni baby. first check up ko po pina tvs ako. and sabi wala daw po heart beat si baby. Nag 2nd opinion po ako agad kinabukasan at sabi sakin bibigyan lang daw po nila ako ng 1 day para inuman sya ng vitamins. at pag balik ko po ng kinabukasan pina tvs po ako ulit wala pa din po heart beat si baby sa result at ni resetahan na nila ako ng pampalaglag or pampadugo🥺Pero alam ko po nararamdaman ko si baby na may pintig sya uminom ako ng apat na beses dahil sobrang depressed na ako. napag hihinaan na ako ng loob nun. pero naramdaman ko ulit sya hindi po ako dinudugo tsaka wala po akong history about dyan pang 3rd baby ko na po. tinigil ko po ang pag inom dahil alam kong buhay sya at nararamdaman ko yung pintig nya. ngayon iniinuman ko sya ng vitamins. Pwede po bang mag kaganun sa una at pangalawang tvs🥺#pleasehelp gulong gulo na po ako🥺#pregnancy#pregnancy

14 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ako po nakunan last year june 2021 11 weeks na sana kami pero nag pa TVS ako 6 weeks palang wala ng heart beat si baby pero umabot pako ng 11 weeks na walang sintomas di ako dinudugo, nalamn ko lang dahil may kumirot na sakin tas kinabukasan nag spotting na ako at lumabas na si baby ng kusa. pero ngayon may rainbow baby ako 19 weeks 3 days akong preggy ngayon nag pa alaga ako sa ob at healthy naman si baby.

Magbasa pa