"I was molested by own father as a child, and trauma is still haunting me as a Mom"

Hi po! I was molested by my own father when i was 10 years old. Nobody knew until now. Buhay pa po ang tatay ko at masaya ang pamilya namin. OFW na po sya ngayon. Para mas maintindihan nyo bakit nangyari un, nagtrabaho po ang nanay ko dahil kapos po kami noon. Ang trabaho po nya mula 7am hanggang 3pm sa isang karenderya. Summer po yun kaya wala kaming pasok. Ang tatay ko po panggabi sa trabaho kaya sya ang nagaalaga sa amin habang wala ang nanay. Mag30 na po ako ngayong taon, may asawa at anak. Hanggang ngayon dala ko ang trauma. Natatakot ako na nakakaapekto to sa pagpapalaki ko sa anak kong babae. Ayaw kong nalalayo sya sa kin. Gusto ko nakikita ko sino nakakasalamuha nya lagi. 1 year old pa lang po sya. Pati sa lolo nya sa side ng asawa ko natatakot ako pag sya ang kasama. Di ako maintindihan ng asawa ko kesyo madamot daw ako. Pero hindi ko din masabi ang pinagdaanan ko noon. Pinangako ko sa sarili kong dadalhin ko sa hukay ang sikreto kami lang ng tatay ko ang nakakalaam. Matagal ng humingi ng tawad ang tatay. Pero mahirap makalimot. Hanggang ngayon iwas ako sa kanya. Nahihirapan ako. Ayaw kong sabihin sa asawa ko lalo't maganda ang relasyon nila ng tatay ko. Pero natatakot ako para sa anak ko araw araw. Maging sa tatay nya alangan ako pag sya ang nagpapaligo. Di ko lubos akalain na ganito ang impact ng trauma na yun sa kin. Akala ko tapos na. Naguumpisa na naman. Di ko alam kung sasabihin ko ba sa asawa ko para kahit papano may isang makakaintindi sa akin. Kung bakit ganito ako. Pero natatakot ako masira ang relasyon ng asawa ko sa pamilya ko. Kung sa opinyon nyo po ba? Mas maganda bang itago ko na lang? Nakayanan ko naman ng halos 20yrs. Kaya ko pa naman siguro. O unfair ba na di alam ng asawa ko?

21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hi mommy, i really felt your sadness through your post and especially yung trauma and takot since i also been on your shoes the difference nga lang is older brother ko nag molested sakin since i was 4 until 9 years old ako. Nag abroad din mama ko non as OFW dahil kulang na kinikita ng father ko dahil sa 9 din kami magkakapatid. Dahil din sa trauma na ginawa saking pag mo molest ng older brother ko kaya naging suicidal rin ako at nag seself harm nag start nag kick in sakin yung trauma nung nagdadalaga na ako laging nag fla flashback sakin mga nangyayari hanggang sa mag breakdown na ako at saktan ang sarili ko dumating pa sa point na malalim yung pagkakalaslas ko sa sarili ko. Dahil don na diagnose ako ng bipolar disorder with auditory hallucination. Ang hirap talaga bumangon araw araw knowing na ikaw pa nagbayad sa kahayupan ng isang tao dahil sa lust even kadugo pa. Dahil din dito kaya nasira yung marriage ko dahil siguro napagod na sakin yung husband ko kakaintindi sakin sa mga panic attacks, self harm at suicidal attemps not until nakilala ko ang ama ng 2 kong anak ngayon sya yung pinaka umintindi sakin alam nya rin ang kwento kong to and thankfully dahil narin siguro sa mga anak ko kaya yung atensyon ko nawawala na doon sa past ko for now im clean(no self harm and suicidal attemps) for 2 yrs straight but andon parin yung thoughts na saktan ang sarili ko pero sana nga lang tuluyan ng mawala yung atensyon ko sa past ko dahil may kasabihan nga you never forget but you learn to live with it. So ayun lang naman mommy sender ang point ng kwento ko is parehas man tayong biktima ng di magandang nakaraan magsilbi satin tong lakas para lumaban and i know din yung takot mo for your daughter since ang panganay ko babae din at 1 yr old kahit ako natatakot din ako para sa anak ko sana lang talaga di niya maranasan yung past ko i pray na maiba ang landas na kalalakihan nya sa kinalakihan ko. fighting mommy kaya natin to.❣️

Magbasa pa