"I was molested by own father as a child, and trauma is still haunting me as a Mom"

Hi po! I was molested by my own father when i was 10 years old. Nobody knew until now. Buhay pa po ang tatay ko at masaya ang pamilya namin. OFW na po sya ngayon. Para mas maintindihan nyo bakit nangyari un, nagtrabaho po ang nanay ko dahil kapos po kami noon. Ang trabaho po nya mula 7am hanggang 3pm sa isang karenderya. Summer po yun kaya wala kaming pasok. Ang tatay ko po panggabi sa trabaho kaya sya ang nagaalaga sa amin habang wala ang nanay. Mag30 na po ako ngayong taon, may asawa at anak. Hanggang ngayon dala ko ang trauma. Natatakot ako na nakakaapekto to sa pagpapalaki ko sa anak kong babae. Ayaw kong nalalayo sya sa kin. Gusto ko nakikita ko sino nakakasalamuha nya lagi. 1 year old pa lang po sya. Pati sa lolo nya sa side ng asawa ko natatakot ako pag sya ang kasama. Di ako maintindihan ng asawa ko kesyo madamot daw ako. Pero hindi ko din masabi ang pinagdaanan ko noon. Pinangako ko sa sarili kong dadalhin ko sa hukay ang sikreto kami lang ng tatay ko ang nakakalaam. Matagal ng humingi ng tawad ang tatay. Pero mahirap makalimot. Hanggang ngayon iwas ako sa kanya. Nahihirapan ako. Ayaw kong sabihin sa asawa ko lalo't maganda ang relasyon nila ng tatay ko. Pero natatakot ako para sa anak ko araw araw. Maging sa tatay nya alangan ako pag sya ang nagpapaligo. Di ko lubos akalain na ganito ang impact ng trauma na yun sa kin. Akala ko tapos na. Naguumpisa na naman. Di ko alam kung sasabihin ko ba sa asawa ko para kahit papano may isang makakaintindi sa akin. Kung bakit ganito ako. Pero natatakot ako masira ang relasyon ng asawa ko sa pamilya ko. Kung sa opinyon nyo po ba? Mas maganda bang itago ko na lang? Nakayanan ko naman ng halos 20yrs. Kaya ko pa naman siguro. O unfair ba na di alam ng asawa ko?

21 Replies

hi mommy, i really felt your sadness through your post and especially yung trauma and takot since i also been on your shoes the difference nga lang is older brother ko nag molested sakin since i was 4 until 9 years old ako. Nag abroad din mama ko non as OFW dahil kulang na kinikita ng father ko dahil sa 9 din kami magkakapatid. Dahil din sa trauma na ginawa saking pag mo molest ng older brother ko kaya naging suicidal rin ako at nag seself harm nag start nag kick in sakin yung trauma nung nagdadalaga na ako laging nag fla flashback sakin mga nangyayari hanggang sa mag breakdown na ako at saktan ang sarili ko dumating pa sa point na malalim yung pagkakalaslas ko sa sarili ko. Dahil don na diagnose ako ng bipolar disorder with auditory hallucination. Ang hirap talaga bumangon araw araw knowing na ikaw pa nagbayad sa kahayupan ng isang tao dahil sa lust even kadugo pa. Dahil din dito kaya nasira yung marriage ko dahil siguro napagod na sakin yung husband ko kakaintindi sakin sa mga panic attacks, self harm at suicidal attemps not until nakilala ko ang ama ng 2 kong anak ngayon sya yung pinaka umintindi sakin alam nya rin ang kwento kong to and thankfully dahil narin siguro sa mga anak ko kaya yung atensyon ko nawawala na doon sa past ko for now im clean(no self harm and suicidal attemps) for 2 yrs straight but andon parin yung thoughts na saktan ang sarili ko pero sana nga lang tuluyan ng mawala yung atensyon ko sa past ko dahil may kasabihan nga you never forget but you learn to live with it. So ayun lang naman mommy sender ang point ng kwento ko is parehas man tayong biktima ng di magandang nakaraan magsilbi satin tong lakas para lumaban and i know din yung takot mo for your daughter since ang panganay ko babae din at 1 yr old kahit ako natatakot din ako para sa anak ko sana lang talaga di niya maranasan yung past ko i pray na maiba ang landas na kalalakihan nya sa kinalakihan ko. fighting mommy kaya natin to.❣️

mga mommy, maraming salamat po lahat sa inyo. naiiyak ako sa mga reply nyo. iba iba man po ang opinyon nyo sa tanong ko, pinagisipan ko po mabuti kung sasabihin ko ba sa asawa ko. habang buhay po ang tatay ko, hahayaan ko muna. mahal ko po ang pamilya ko at matanda na rin ang tatay. kung sabihin ko man ngayon sa nanay ko o mga kapatid ko, baka maiwan magisa ang tatay. ayaw ko pong mangyari yun dahil kahit papano naging good provider naman po sya sa amin ng nga kapatid at nanay ko. tanging dasal ko lang po ngayon ang mapalaki ko ng maayos at safe ang anak ko. kakayanin ko lahat para sa kanya. kakayanin ko din labanan ung trauma na daladala ko para sa kanya. lalakasan ko pa loob ko. prayer works for me. alam kong napapakinggan ako ng Panginoon at ibababa ko lang lahat sa harap nya ang bigat ng dala ko para tulungan Nya ako. ipagdarasal ko din po na sa mga gaya kong nakaranas ng ganito, na malampasan natin ung pighati at poot na nararamdaman natin. na dumating ang araw may peace of mind tayo. maraming salamat po sa lahat. patuloy po akong magbabasa ng mga magiging reply pa dito. salamat po sa community na to.

TapFluencer

Yakap mommy! Your trauma is real and the emotions you feel is valid. Kahit di po tayo magkakilala, i can see that you are strong and resilient. I'm so so sorry that yan ang nangyari sayo :( I'm so sorry you did not get to experience a wonderful normal father-daughter relationship. I hope one day you will heal. I advise you to talk to your husband about this trauma and how this still affects you. I also advise you to talk to a therapist because deep-seated ang trauma na yan and you need to heal psychologically. Third, I advise to get a trusted spiritual leader or church counselling para maiayos yan so you can finally deal with the past properly and heal those wounds. If you are Christian, be planted in a supportive, trustworhy non-judgmental community in church:) You might not unfortunately have experienced a beautiful father-daughter relationship, but please let your daughter experience it. Especially if wala naman talagang red flags na pinapakita ang husband mo :)

I agree to this 100 percent!

ganyan din po nangyare SA akin dati elem o high school at nasabi q po yan SA mama q dati pero d sya naniwala SA sobrang pagmamahal SA papa q , may mga kapatid din Akong babae at pinsan. na ginawa Ng ganyan pinangako q SA Sarili q n papatayin q papa q SA Galit ko, pero ngaun Buhay padin sya buo padin pamilyang namin , humingi sya Ng tawad sa akin pinatawad q na may trauma din ako , more on pray , ayun kinarma ung papa q, malakas Naman sya kaso d na tulad Ng dati nagkaroon sya Ng sakit na d na kayang gamitin ung (private part), nakikita q na nagbabago papa ko , and sinabi q din SA Asawa q lahat bakit ako Galit SA papa ko bakit may times na Wala Akong galang, kung sumasagot ako, ok Naman cla Ng papa at Asawa q kahit papaano gumaan ung mabigat mararamdaman ko samahabang panahon ❤️ , ngaun parent nadin ako, boy ung anak ko pero tulad mo mag iingat padin ako , dahil alam natin kung gaano kahirap Ang mag maroon Ng trauma, nasasabi q NGA sa Asawa baka Gawin nya un ako mismo papatay SA kanya charizzz

TapFluencer

alam mo mommy, natutuwa ako kasi nakapagopen up ka dito sa asianparent. which i believe is a good start. you just need someone to talk to. kailangan unti unti mo sya shineshare sa iba hanggang sa may total healing ka. that is the only way mommy. u can talk to a priest if u are a catholic or a pastor, u can also talk to a professional, hanggang sa maging ready ka na to talk to ur husband. Regarding naman sa anak mo, okay lang yan mommy, nagiingat ka lang. Yes na dapat ikaw nagpapaligo sa anak mo hindi dapat ibang tao. it is our way of protecting them. may trauma or wala, normal yan. normal lng din tlga na extra careful sa mga anak na babae. dapat nga din hindi cla pinapa-upo sa lap ng iba. as for the father of ur daughter, dapat kasama sya sa journey na yan n pinagdadaanan mo at mas maiintndhan k nya at sya din mas magiging protective sya sa anak nya. and mommy pray. hugs.

Hi Mummy, Ang take ko sa situation mo ay eto, If you decide to tell your husband, make sure you’re ready sa possibility na magka lamat din ang relationship nio kasi mabigat na issue ito. In the first place, dapat nalaman na ito ng husband mo even before u two got married. Hindi natin hawak ang isip at feelings ng asawa mo e. Lalo ka lang maistress kung dumagdag pang hnd ka na nya tratuhin ng magnda dahil sa nakaraan na yan. Not everyone is capable to understand and accept. Hanap ka na lang ng ibang pwede pag sabihin but not your husband. Kung hindi mo naman ipagtatapat sakanya, just insist na thats how u feel as a mom. Sa simpleng bagay na yan na ayaw mo pahiram anak mo dapat maintindihan ka nya. Kung di nya maintindihan yon, I’m sure high chance na lalo nyang di maaaccept yung past na yan.

TapFluencer

Hi mii.. i feel you and been there. Have a talk with ur other half. He needs to know what happened. I know it's a risk. In my case kasi before i told my partner and if he accepts me then we were meant to be. If not, then accept the fact and go separate ways. Its traumatic, naging suicidal din aq nun. Even drank different meds para lang ma overdose. Actually until now i still feel it pero i need to be strong para sa family ko ngayon. Thankfully i found a partner that accepts and love me fully. Regards to your trauma, your partner should understand and know. You sometimes need to be selfish in a way. Not sure of the term pero u need someone who knows exactly how you feel kasi what happened before is not meant to be known by everybody. Marami di makakaunawa..

Hello mii.akap ng mahigpit.tulad mo nadanas kodin yan pero slight lng naman ung experience ko but still traumatic.Now i'm 9w preggy and minsan sumasagi sa isip ko na sana boy si baby ko kasi hina-hunt padin ako minsan ng fear...mii basta ingatan mo anak mo, mainam yan wag mo ipagkakatiwala sa lalaking kaanak even on her own father lalo pag dalagita na cia.ang naiisip ko is to educate ur child pag mejo nagkaisip na cia.site samples sa ibang bata daanin mo sa kwento.Try to share the story to ur husband para dalawa kau poprotekta sa bata and gumaan pakiramdam mo.mahirap pero act normal nalang din para pare parehas makamove on. ang importante is awareness para dina maulit.

The only way to lessen the burden po is try to speak up na po. The more na ikekeep mo sa sarili mo, the more mas pabigat ng pabigat habang tumatagal, and it will affect your mental health as well po. If you have a sister po, or sa mother niyo po. Anyone in the family na u think maiintindihan po kayo and talagang mapag kakatiwalaan niyo po, open up to them. They will surely understand and comfort you po. Pwede rin po sa husband niyo, para malaman niya po ang pinag dadaanan niyo po and matulungan niya po kayo. Kaya mommy, lakasan mo loob mo para sa sarili mo and sa baby mo. You will overcome it. Sending hugs to you.

Dont tell ur husband. Keep it in. There r some things u can share and speak up to pero yan hindi. It will be taken against u in the future or if the situation present itself. Lalo na magkacrack ung relasyon ng new fam mo and ur dads family. Handa ka ba ipaalam sa mama mo lahat? I know u want to protect ur daughter so just do so by being meticulous with everytbing and everyone. Walang masama don. U dont have to explain urself if pinoprotektahan mo lang ang anak mo. Turuan mo sya paglaki nya tungkol sa mga boundaries ♥️ 😊 Mahigpit na yakap sayo.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles