40 Replies
Nung two mos ako, hindi ako nag a Anmum, ayoko kase ng lasa. Pero dahil sabe ni OB and ng karamihan, mas okay sa bebe kapag may Anmum/gatas. Hindi nga naman para saken yung milk, para sa bebe, tapos inadvice ako ng karamihan na mag lagay 1tbsp na milo, para kahit papano maiba lasa. Ayun, masarap sya. Inuubos ko nalang vanilla ngayon, pinayagan na ko ni OB mag Anmum choco e, nakapag vanilla naman na kase ako. Nakulitan siguro HAHAHAHAHA Note. Kahit kase nung hindi pa ako nabubuntis, ayoko na talaga sa milk, nasusuka talaga ako unless may choco.
anmum po pinapainom para complete nutrients ng moms. kung umiinom ka ng vutamins and healthy lahat ng kinakain mo, yung tipong nakukuha mo sa food yung makukuha sana sa anmum okay lang po wag ng uminom. pinilit ko uminom noon since tamad akong kumain ng vegetables. 😛
ako sis, hindi ko talaga tinake yang anmum kahit anong pilit ko isang big box lang, then nagpalit ako ng bear brand dati naman nung time ng parent ko wala namang ganyan, so ginaya ko nalang sya then may supplement vitamins din ako calcium
Me too d ko gusto lasa ang dami ko pa nga dito meron pa naka tetra pack, sinusuka ko sya. 😭 Buti nalang twice a day ang pag take ko ng calcium. Try ka din po ibang flavo. Na try ko choco nila masarap naman lalo na pag malamig.
I drink low fat milk sis..pero pg gusto ko lng.. usually kc ngiging choosy ang tastebuds ko.. pero I take calcium vits din.. Hndi inadvice ng OB ko yung anmum kc nkakataba sa baby..
ako po never uminom ng anmum or any maternal milk kahit nga calcium supplement very healthy naman si baby and ako normal delivery naman haha pero of course mas okay pa rin makainom nun
me sis.. 5months preggy din. i don't drink milk. not recommended ng ob ko because diagnosed ako of GDM. i just have calcium vitamins para sa bones namin ni baby. so i guess, ok lang naman. 😊
mas okay yung lasa ng anmum parang milo lang sya! ako minsan pag may pang biling anmum umiinom ako pero pag wala bearbrand lang muna haha anak ko kasing panganay nag gagatas din kasi.
Ako hindi umiinom ng maternal milk. I have no plans on taking one unless prescribed by my OB sakin. Kung may Calcium supplement ka naman, kahit wag ka na uminom ng maternal milk. 😊
ako po, hindi uminom ng maternal milk kasi di ko rin kaya. ok lang naman sabi ng ob ko, binigyan lang nya ako ng calciumade para sa bones ni baby