SSS MATBEN

Hello po. Ask ko lang po, if qualified ako for SSS MATBEN. Membership Type: Voluntary Nalaman ko po na buntis ako March 18, 2022 confirmed by the ultrasound and an OBGYNE, 1 month and 5 days na po yung baby ko nung March 18, 2022 so ang EDD ko po ay probably ay November 2022. April 18, 2022 follow-up check-up, wala pa rin po hearbeat si baby kaya napagdesisyunan na ni Doctora na iTERMINATE ang pregnancy ko kaya nagreseta na agad ng pam-PADUGO for 3 days (from 4/18_4/20) and that day April 18 ng gabi nagHeavy bleeding ako and I assumed na nalaglag na rin po si baby. Fast forward ang balik ko po ay ngayon 4/21 for follow-up check-up to see if may mga tissues pa ni baby na natira, and if meron iraraspa ako immediately. Question is, qualified po kaya ako sa MATBEN under miscarriage/emergency termination of pregnancy. July 2019 starts ng hulog ko until February 2020 nakakumpleto po ng hulog ang employer ko. Nahinto na po yung hulog ko from March 2020 up to December 2021 due of resigned na ako wala na po akong naging hulog. Nagkahulog lang po ako ng isang hulog ng March 2021 as Voluntary. Then, nagresumed po ako ulit ng hulog this year from January to March 2022 may hulog na po ako as Voluntary. Again, may magiging MATBEN po ba ako based sa naging situation ko and sa hulog ko. Kasi po base sa pagkakaunawa ko, if EDD ko ay November 2022 so ang qualifying period ko ay July 2021 to June 2022 so dapat po within this months nakapaghulog ako at least 3 contributions to qualify, tama po ba ako? January to March 2022 nakapag-hulog po ako kaya I assumed pasok po ako. Kaso nga lang po nakunan na po ako ng April 18. Kaya hindi na po ba ako qualified?

10 Replies

Hello po. Maraming thank you po sa mga sumagot. Tumawag po ako sa SSS and iyon nga po hindi na ako qualified for the MATBEN dahil daw po hindi ako nakapaghulog sa mga qualifying months. Dapat daw po may hulog ako from November 2021 up to December 2021. Thanks po ulit.

VIP Member

You can check po sa sss portal meron po don, nag miscarriage din ako (raspa). My nakuha ako mat ben after 60 days start nun nakunan ako. Kailangan mo lang ng supporting docs like na patunayan na nakunan ka o undergo sa raspa if ever

Yes mam qualified ka parin kasi 6months po yung bibilangin nila para sa computation for example this month ka nakunan april 2022 dapat march, feb, jan, dec, nov & oct 2021 may hulog ang sss mo

magbayad ka sis jan. to march tapos ipag patuloy mo hanggang june para qaulified kapa, and dapat hindi lalagpas nang april 30 kasi late payment na pag lumagpas yan ginawa ko ngayun🤗

You can check din po sa sss account mo sis makikita namn din duon sa Inquiry - Elegibility - maternity. Tapos lalabas na dun yung computation

Kapag under miscarriage need mo ng clinical abstract if Im not mistaken. If hindi ka naman na raspa Idk if anong requirements..

dapat po may hulog SSS mo at least 3mons from July 2021 to Dec. 2021 para mkapasok po kayo sa semestral contingency Ng sss

malalaman mo naman ya sis kung qualified ka . May sss account ka naman siguro check mo don .

Yes basta walang late payment sa qualifying periods mo.

VIP Member

No momsh. Dapat may hulog ka ng 2021.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles