7 mos. preggy

hello po. May umaangkas pa din po ba dito sa motor kahit buntis na? Ako po kasi umaangkas pa sa motor ng husband ko papuntang work. Nag consult naman po ako sa OB ko sabi ok naman po kasi wala naman po yun pinagkaiba sa mga pampasaherong sasakyan, mas lalo daw delikado ksi mga walang pakealam just like pag sa asawa mo, dahan dahan lang. Kaso nag woworried naman ako sa mga sinasabi ng mga kapitbahay namin na masama daw sa baby ang pag angkas ng motor. Mas na stress po kasi ko pag commute din sobrang traffic :(

57 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Okay lng yan mums. Basta ingat lng po. 😊

Wag ka na umangkas para wala ng usapan pa

Ako rin sumasakay pa rin sa motor

VIP Member

Dami nga nagsasabi na bawal. Pero since ayoko talaga nsmamasahe at ayaw din ng partner ko na iba naghahatid sakin, finofront ride na lang nya ko

VIP Member

Okay lang basta dahan dahan at hindi ko gaanong natatagtag. Sabi sakin ng ob since nakamotor lang kami lagi ng daddy ni baby pag nagpapacheck up ako, okay lang yun. Basta dahan dahanin lang. Pansin ko din kasi, pag nagttric ako o kaya jeep, mas sumasakit pa tiyan ko (means natatagtag ako). Pag sa motor kase, dinadahan dahan nya lang. Nasa upo mo din yan. Wag kang uupo ng pabukaka haha.

Magbasa pa

Ako po everyday umaangkas sa motor. Mas maniwala ka po sa OB mo kesa sa mga kapitbahay. Hehehe. Di naman po sya possible cause ng clef lip.

TapFluencer

ako din till now 7 mons umaangkas padin ako.