Gestational Diabetes

Hello po tnong q lng meron npo ba nkaexperience sa inyo ng gestational diabetes? Last month kc ok nmn result ng urinalysis q taz wl png 1mnth my nkta ng glucose.. ano po nging proseso nyo gang sa panga2nak?

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ako po mommy. Nag self monitoring po ako sa sugar ko for almost 4 months gang nanganak ako. Mahirap din at masakit sa bulsa dahil mahal ang strips. Pero kinaya ko kasi ayoko maturukan ng insulin. Nung na diagnosed ako, nag proper diet ako tapos after 2 weeks bumalik sa normal. Pero continue padin ng monitoring hanggang sa manganak ako. I switched to brown rice, brown bread. Masyadong nakakataas ng sugar ang white rice at mga pastries. Iwas din sa mga sweets at sweet fruits, mangga, wmelon, grapes, artificial drinks, juice. Tapos more on vegetables.

Magbasa pa