instant noodles.

Hello po, may times po kasi na kine-crave ko po is yung mga instant noodles like pancit canton or yung shin ramyun. Saktong 11 weeks na po ako today. Ano po kaya ang complications kay baby nun? Siguro simula nung nalaman kong preggy ako, naka 4 beses ako na kain ng instant noodles. Salamat po in advance sa advices niyo. Btw, 1st time mommy po kasi ako.

28 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy, you should limit noodles lalo mga instant yan and mataas ang sodium content nian. Kadalasan kasi nagkakaroon ng water retention sa katawan if mataas ang sodium level which may lead to gestational hypertension (high bp in preggy). So, if ever man magcrave ka mommy okay na ung isa per week. Wag naman palagi. And based on the studies kasi, most of the patients who suffer from chronic kidney diseases aside fron sedentary lifestyle is the food they eat which has high sodium content so mas maganda healthy living. Eat greens.

Magbasa pa
VIP Member

Okay lang naman mag instant noodles or pancit canton. Kumain din ako nyan kasi nagccrave din ako minsan. Tapos lutuin mo ng lutong luto. Pero dapat wag madalas haha! Once a week or once in 2 weeks nalang po. Tapos mag gulay kayo sa mga ibang araw πŸ˜„

VIP Member

Ako din po nagkecrave ng instant noodles. Pero minsan lang ako mag give in sa cravings kase masama po sya talaga kung palagi kakain nun. Siguro mga once or twice a month pwede naman, and yung maliit lang na cup noodles.

Ako sa 1st baby ko, lahat ng instant tinigilan ko. Ngayon sa 2nd trinay ko. Bigla di gumanda pakiramdam ko, sinuka ko lang. Kaya di na ko kakain ulit ng instant noodles. Fresh noodles na lang momsh

VIP Member

iwasan mo ung INSTANT. gawin mo mgpancit canton ka ung mismong lulutuin mo lalagyan ng gulay at sahog. wag ung mga instant. kung ngccrave ka tlaga un ang gwin mo.

okay lang naman yan basta nag crave ka masama pigilan yun maglalaway anak mo basta after kumain nyan drink plenty of water or buko juice yung fresh.

Matagal po matunaw sa tiyan natin yung mga instant noodles tska mataas po ang sodium niyan nakakapagpa uti na pwedeng mahawa si baby paglabas

Nagkecrave ako pero hindi pa rin ako nag gigive in. Kumakain nalang ako ng freshly made ramen once in a while mapagbigyan ko lang sarili ko.

VIP Member

basta in moderate lang pero better kung iwasan or tikim na lang kung crave na crave talaga. Kapag nagka UTI ka kase magkakaroon din si baby

pinagbawalan ako ni hubby kasi iniisip nya baby nya. kung ano kasi daw kinakain naten, yun din kinakain ni baby 😊😊

Related Articles