Pabalik balik na UTI
Hello po, tanong Lang po sino po dito same case ko na preggy may UTI? Nung 1st trimester ko po kase may UTI ako uminom po ako ng antibiotic, then ngayon po na nasa 2nd trimester nako may UTI nanaman, tapos inom nanaman uli ako antibiotic. Meron din po ba sainyo na ganto?

Same po tayo Mii. 1st Tri ko pa lang may UTI na nagkaron din ng Candidiasis. 2nd Tri ko 3 UTI na pa po 22w 6d pa lang kame. Paulit ulit kada urine culture iba iba ang strain ng bacteria ang nakikita. Naka 3 rounds of different antibiotic na po ako. Nagpa Urine CS po ako panay IV antibiotics na ang next in line kapag di pa din ako naging ok. Hirap mii kase feeling ko babad na ako sa infections. kaya minsan may episodes ako ng contractions. Awa ng Diyos di po nagbbleed. Kaya natin ito mii. Prone talaga tayo mga preggy sa mga ganitong infections. Consult OBGyne Infectious Disease. Nirefer na po ako ng Perinatologist ko kase nga di ako tinatantanan ng UTI. Diabetic on Insulin and Hypertensive din kase ako and with incompetent cervix. High risk din talaga. Basta mii paconsult ka lang po kapag meron para mabigyan ng tamang antibiotics.
Magbasa pa
Got a bun in the oven