takot
Hello po tanong ko lang po sana kung hndi po ba makakasama sa baby ko kumain po kasi ako ng ihaw na dugo at isaw sobrang crave po kasi ako pero ngayon lang nmn po ako kumain nun. Hndi po ba mapapasama yun sa baby ko sobrang worry lang po ako huhu. Thank you sa sasagot.

Sa una pa lang, alam mo ng hindi OK ang kumain nyan. Pero dahil gusto mong pagbigyan yang pagke crave mo, ipinilit mo pa rin. Alam mo bang pwede kang makakuha ng mga parasites dyan. Pag nagkasakit ka, damay ang baby mo. Next time, unahin muna ang kapakanan ng anak bago ang pag give-in sa cravings na yan. Hindi pwede yung "ok lang yan, minsan lang naman eh". Ganyan kasi nangyari sa husband ko a few years ago. Nagka-gastroenteritis, nadehydrate, na-confine ng ilang araw. Anong kinain? Ihaw-ihaw sa kanto. Sabi nya sa doktor "Minsan lang naman po eh". Anong reaksyon ni doc? Natural nagalit. Sabi nya "Oh eh di naminsanan ka nga. One time big time. Gasgas ang bituka mo." Obviously malaki ang tanda ko sayo, ilang buwan na lang 37 na ko. So yes, pinapagalitan po kita.
Magbasa pa
