6 weeks no heart beat

Hello po tanong ko lang po nag pa trans v po ako ang bilang po sa trans v 6 weeks 3 days palang po akong preggy tapos po bilang ko 11 weeks and 4 days na regular mens po ako, tapos po yung baby ko po no heart beat po sya ? kaya po na bed rest ako for 1 week pero wala nmaan ako nararamdamang masakit ,balik ko po ulit sa 21 para sa follow up trans v ngayon po nag bebleeding ako maya maya po tas titigil di po malakas , nag mimiscarriage na po ba ako? May iniinom po ako pam pakapit 3x a day.

9 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

continue ka lang po ng meds and bedrest. as in complete bedrest. babangon lang pag weewee or poop. as in higa lang talaga the whole time. and prayers. nag bleeding din ako at 5weeks. i was advised to go on a bedrest for 2weeks. asawa ko lang talaga kumikilos the whole time. tho meron heartbeat si baby that time pero sobrang hina and sinabihan ako ng doctor na it may lead to threatened abortion kaya todo ingat kami and todo sunod sa mga advise ng doctors. samahan mo din ng prayers and kausapin nyo si baby kahit maliit pa sya at di pa nakakarinig. mararamdaman ka parin nya dyan sa tummy mo. 1st time mom din ako kaya i know the feeling. umiiyak pa ako sa sobrang takot pero magpaka tatag ka. i will include you and your baby to my prayers

Magbasa pa
3y ago

thankyouuuu po lumakas po loob ko ?

VIP Member

Mommy yung 1st baby ko ganyan din. threatened abortion that lead to miscarried baby. 7 weeks na yun pero 5 weeks lng sa scan. I did not know that time na dapat pala mag rest. now Im preggy again 12 weeks and 1 day. Sa unang scan ko 6 weeks na dapat pero 5 weeks plng sa Trans V. pina balik ako after 2 weeks uminom lng ako folic acid and duphaston as prescribed by my OB then after 2 weeks meron na baby and lakas ng heartbeat nya. sakto na din yung weeks na. 3 weeks delay lng pero normal lng daw yun. now 12 weeks mas malaki na sya sa Tvs. tiwala lng po. bedrest . eat healthy. kausapin si baby and pray lng po kay God dahil if para po sa inyo si baby e ibibigay at ibibigay po yan kahit ano mangyari. Godbless po

Magbasa pa
3y ago

salamat ppooo

TapFluencer

hi! normal lang wala oang heartbeat sa ganyang weeks palang. mostly po 8 weeks pataas doon na maririnig tlaga. inom din po kayo duphaston. 3x a day po yun pampakapit yun. maliit na tableta lang pero dang mahal po. Pero effective yan. wag din ikw kilos ng kilos po. prayers din po. ingat po and godbless.

Magbasa pa
3y ago

Hindi po ah, kahit 6 weeks may heartbeat na po. Yan po yung baby ko nung 6 weeks. Pero may subchorionic ako kaya pinagtake din ako ng duphaston at pinagbedrest. 23weeks na ako ngayon at super kulit na ni baby sa tiyan ko. ?

Post reply image
VIP Member

be positive mumsh maaga pa para magka heartbeat si baby wait kapa atleast 2 weeks for sure may heartbeat na yan. tuloy2x mo lang pampakapit mo at syempre Prayers po importante.. critical talaga pag 1st trimester.. tiwala lang sa Kanya mumsh??❤

6wks 1 day naman Yung sa akin no heartbeat pa at that time pero thank God pagbalik for transV nung 8 wks meron na heartbeat. Nakabed rest at inom din ako ng duphaston as prescribed by my OB. Prayers din talaga will help.

lagi nyo po sabihan ob nyo kung ano nangyayari sa inyo baka may dagdag syang advice aside sa bed rest at pag inom ng pampakapit, lalo na ngayong may bleeding na kayo

kung continous po yung pagdudugo nio mommy dinapo normal yan punta napo kayo sa ob nio wag nio napong hintayin ng 21 pa kasi delikado po yan

VIP Member

bed rest ka po mommy.. observe for persistent bleeding. if you have contact number ni OB, update mo sya.

Okay lang po yan mommy. Baby ko 10 weeks bago nadetect ang heartbeat. 27 weeks na ngayon☺️