Breast milk

Hello po, tanong ko lang po kung bakit ganon. Isang buwan na po kasi ako hindi masyado nagpapabreast feed sa baby ko yung gaya ng sa loob ng isang linggo dalawang beses ko lang sya binibreast feed, malakas kasi sobra yung pag agos ng gatas ko kaya hindi kaya ni baby ko 2 months palang sya kaya nag formula nalang ako pero ibabalik ko sya sa pagbf kapag makaya nya na yung gatas ko kaya ginawa ko para hindi mawala yung gatas ko kapag pakiramdam ko paubos na papadidien ko sa kanya para magproduce ulit ng gatas tapos pag lumakas ulit ititigil ko nanaman kasi nabubulunan sya. Pero ngayon po pag pinapadede ko sya sa kaliwang dede ko parang diring diri po yung reaction nya tapos pagpinipilit ko naduduwal sya pero sa kanan ko na suso ok naman po sya then tinikman ko yung gatas ko sa kaliwang suso ko parang medyo may alat sya pero yung sa kanan matamis naman. Normal lang po ba yun? Hindi ba nasisira yung gatas ng ina habang nasa suso? May case po ba kayo na gaya ng sakin? Ano po dapat gawin ko? Gusto ko kasi talaga sya ibf kung hindi nga lang sya talaga nabubulunan ifufull bf ko talaga sya..

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Kung mix feeding pp kayo, possible na nagkaroon sya ng nipple confusion. Try niyo po patakan yung left breast ninyo gamit yung milk sa right breast ninyo. Baka umepekto.๐Ÿ™‚ And never po masisira ang milk natin kapag nasa katawan palang. ๐Ÿ˜Š Suggestion ko po is kung gusto niyo din po talaga na mag ebf kay baby, konti kontiin niyo po na bawasan ang pag offer ng bottle. ๐Ÿ˜Š

Magbasa pa
VIP Member

hi mommy, pwede nyo nman po i store yung gatas nyo mamsh i ref nyo po hnapin nyo nlang po sa article natin dto sa TAP kung paano ang storage ng breastmilk๐Ÿ˜Š ang swerte mo dami mong gatas. ako dhil lang sa kamangmangan bilang FTM na missed ko mgpa BF .. ayan sanay na sa formula. sng gastos .. goodluck mommy!

Magbasa pa