PHILHEALTH BENEFITS
Hi po. Share ko lang, sabi sakin ng ibang tao and nung nag inquire ako sa Philhealth thru messenger na hindi daw ako qualified to use my philhealth card sa hospital bills ko kasi Nov 1 ang due ko at may kulang akong hulog from April-July 2019 pero before ako magstop may 24 months na akong hulog at hindi na daw tumatanggap ng late payment, so hopeless ako, pero hindi yun totoo... nagpunta ako sa branch mismo ng Philhealth dito sa amin at sobrang bilis ko lang natapos dahil nga priority at pinayagan nila akong bayaran yung mga unpaid contributions ko kahit late na basta makumpleto ko lang daw ang 9 months within 12 months before maconfine okay na. Kaya po mas better talagang kumausap ng representative in person kasi laging may exemption sa rule kapag sila na nakausap mo. Share lwng po, baka kasi may kapareho ako ng situation dyan na hindi na nag asikaso ng philhealth dahil lang sinabi ng iba na hindi ns pwede.
FTM