BREAST PUMP

Hello po share ko lang po yung way of feeding ko kay baby ko. 9days old pa lang sya. Inverted nipple kase ako, tinatyaga ko dumede sya sa mismong dede ko talaga kaso umiiyak lang talaga sya tuwing dumedede kaya every 3 to 4 hours ito ang gamit ko. Every 10 minutes nakakapuno ako ng 50ml na feeding bottle tas mauubos ni lo then didighay sya. Medyo malungkot at nakaka disappoint kase parang di ko magawang mapadede sya sa mismong dede ko, pero hinde ko naman kayang tiisin na magutom sya kaya nagpa pump ako para ma satisfied sya sa pagdede at lumusog pa sya. Any comments po mga mommies, medyo nada down po kase ako. :(

BREAST PUMP
6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Gamit ka ng mas maayos na pump, may mga nabibiling murang double electric pump. Hindi kasi advisable yung pump na gamit mo, una rubber yung dulo nyan pwede macontaminate ang milk. Pangalawa, pwede makasira ng breast tissues.

5y ago

Yes. Pump and latch kami ni baby, may breast pump ako kasi kailangan ko ng gatas for her food, hinahalo ko. Tas nagpupump din ako para makapag ipon ng stash pag alam ko may lalakarin ako sa labas na importante para may maiwan akong milk nya 🙂