Late matulog

Hello po, share ko lang po struggle ko ngayon. Bago palang po ako mag buntis may insomnia na po talaga ako, umiinom pa ako dati ng sleeping pills kasi dati more than 24 hours akong gising at ngayong buntis nako madalas 2am ako nakakatulog pero gising ko lagi 11am-12pm, yung matatanda dito samin kinokonsensya ako sinasabi nila “maawa ka naman sa baby mo matulog ka ng maaga” natatakot po ako pag naririnig ko yun kasi baka po kung ano ang mangyari sa baby ko kung mapipilit ko naman talaga, tutulog naman talaga ako ng maaga kaso di ko talaga kaya. May mangyayare po ba masama sa baby ko kaka tulog ko ng late? ☹️ PS. kumpleto naman po ako sa gamot ko at 2x a day po ako umiinom ng Anmum

15 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ako naman napapagalitan kasi tulog mantika. Pero to each her own pregnancy naman mommy! That's completely okay!

Ako din sis.. hirap makatulog, pag nakatulog 10pm gising na agad 12am, tapos tinutulog ko nlng let ng mga bandang 7am gising let ng 12nn.. wala tayo magagawa kahit anong pilit

ganyan din po ako. normal na ata sa preggy ang hirap matulog .. minsan nga umaga na ko natutulog.

Normal lang naman un momsh, ganyan din ako magihirapan na tlga makatulog dahil may lumalaki na baby sa loob ng tiyan mo. Minsan kailangan tlga dedmahin nalang ang ibang sinasabi ng matatanda

HAHAHA ganyan din ako nung buntis ako, hirap matulog. Parang normal lang yan.