Inverted Nipple
Hello po sa mga mommies lalo na sa mga nagpapabreastfeed! Sa mga inverted po ang nipple dito like me pero nagpapabreastfeed any tips naman po? Desidido po talaga ako gawin lahat para makapagpabreastfeed kay baby paglabas nya. 33 weeks na po akong buntis, nung ika 28th week ko po may lumalabas na pong parang water sa right breast ko. Sabi ng MIL ko sign daw po yun na may gatas na ako. Nagredeem din ako ng Nipple Puller dito, kasi gusto ko talaga gawin lahat ng way para sa akin lang dedede si baby. Kaya kung meron po kayong tips lalo na po sa mga inverted din ang nipple share naman po, big help po sa akin yan! Thank you in advance po! Gusto ko po maging padede mom eh ?