Questions tungkol sa happenings after manganak

Hello po sa mga makakabasa neto! ^^ Hihingi lang po sana ako ng advice or recommendation galing sa inyo. Baka may similar experience po kasi kayo. So, 4+ months na po since nung nanganak ako, ok naman po ako and hindi naman ako nakakaramdam ng kahit anong unusual sa katawan ko. Yung pagod, I know, is normal naman especially si baby e clingy, pakarga nang pakarga. Hehe. Netong mga nakaraang linggo lang, nagsimula ko naramdaman na parang namamaga yung part nung kamay ko (see pic), naisip ko siguro dahil sa kakakarga kay baby. Nung una, masakit talaga siya kaya tiis muna ako na di karga si baby, pero recently, mejo umokay na siya. Pero pagttwist ko lang kamay ko, super sakit na niya. Nagttry ako i-hot compress siya kada may chance ako, pero ganun pa din e. And, napansin ko na super naglalagas na ng buhok ko. Ang unusual, kasi kada suklay ko, andaming nalalagas. Kahit lang yata tanggalin ko ang tali ng buhok ko e andami pa din. Yung friend ko ng college (certified titang ina 😄), siya kasi nag-alaga ng 2 pamangkin niya, sinabihan ako recently ng pamahiin nila. Wag daw ipapahila o pasabunot kay baby ang buhok ng nanay kasi maglalagas daw ang buhok ni nanay. First time ko narinig yun, and hindi naman ako ganun ka- mapamahiin na tao e kaya di ko siya alam. So, normal po ba pagdaanan yung ganto ng mga kapapanganak lang, or should I see doctor na? Ayaw ko sana pa-doctor as much as possible, nakakapangamba naman kasi sa labas. Yung husband ko naman,kung ano ano nirrecommend na gawin ko. Mag-check daw ako sa YouTube or Lazada ng products, lalo na daw sa hair ko. Agapan ko na daw kasi baka maunahan ko pa siya mapanot. 😅 Hope to hear from you mga mommy kung ano pwede gawin para umokay na yung kamay ko and tumigil na paglalagas ng buhok ko. #1stimemom #theasianparentph #advicepls

Questions tungkol sa happenings after manganak
38 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

And postpartum hair fall po yan, normal yan and ganyan din po ako. Kaya madaming mommy ang nagpapagupit ng maikli. Hahaha pag nag normalize na ung hormones mo, male-lessen din ang paglagas. I am taking collagen supplement para malessen pero ask niyo po OB niyo kung pwede. So far, wala naman po ako nakitang side effect kay baby. Breastfeeding po kami.

Magbasa pa

natural lng ang sakit na yan.nranasan ko rin yan,akin nga talampakan ko mismo ang msakit,kya hirap akong mktayo...after karga kay baby,ipagpahinga mo muna kamay mo mommy bgo gumamit ng water...pglagas ng buhok,ntural lng din yan.me,di na minsan ngsusuklay kc dmi tlgang nalalagas...try lng umiwas sa stress mommy at mgpahinga pa minsan2.😊

Magbasa pa
VIP Member

Ganyan din s akin wala p akong 1 month after manganak kay baby. Ung mga joints s daliri ko msasakit lahat hindi ko alm kung bakit pti yang s gnyang part s wrist masakit din kaya lagi ako nahilot ng kamay ko and ineexercise ko. Pero hairfall hindi ako nkaexperience ngaun di tulad sa una ska pang 2nd ko grbe paglalagas.

Magbasa pa

Carpal tunnel po tawag dyn exprnce ko din yan simula nag buntis ako 1&5days na simula nanganak ako (normal) akala ko sa trabaho lang napapasma kaka type sa keyboard pero hindi pala. hangang ngayon masakit lalo sa madaling araw di ma bend yung darili. may times na di ako makapag buhat kahit plato ang sakit kasi.

Magbasa pa

Ako after ko manganak nagkaron ng deperensya Mata ko hanggang ngayon saka twice namaga kamay ko na umabot hanggang siko, Sabi ng mama ko part daw ng binat kasi wala PA taon mula ng ilabas ko baby ko but sad to say nasa heaven na baby ko at Sana gumaling na mata ko Para balik na sa dati at makatulong sa asawa

Magbasa pa
4y ago

nako mommy, sorry to hear about your little one. 😥 sana nga umayos na ang lagay niyo. God bless po!

ang tawag dyan Mommy Thumb. had it too :-(. eventually nawawala din naman po. caused po ng strain and hormones (hormones padin 🌝) may mga exercise at hot compress nakakatulong po. but you can google po. https://www.parents.com/baby/new-parent/motherhood/mommy-thumb-5-ways-to-ease-the-pain/

Magbasa pa
4y ago

wow! thank you! hindi ko kasi alam term dito. malaking tulong po ito. 😊

try nyo po philot un kamay nyo bka po naipitan ng ugat tulad nga po ng sabi nyo natwist un kamay nyo, in regards nmn po s paglalagas ng buhok normal po yn post partrum hairfall po tawag s gnyn, me po ga ngayn naglulugas p dn buhok ko mag 7 mos n po baby ko 😊😊😊😊😊

sabi po ng matatanda, lamig un kaya sumasakit. pinapasok ng lamig kapag malamig ang gamit na tubig. lalo na daw ung mga tubig ulan 😅 sa hairfall naman po i guess normal po sya, sabay tyo ni baby na nagkaka hairfall.

ung paglalagas ng buhok after manganak normal po yan..pro ug sa kamay mo po ung namamaga.better po pa check nyo po kng namamaga.bka amy naipit na ugat or something better consult na lng po sa doctor

VIP Member

ako nag start sumakit yung left jan sa part na yan nung 8mos preggy ako until now na naka panganak na ko mag 2mos sa 28, sumakit na din pati right. Nag start pa lang mag lagas buhok ko this month.