Hello po sa mga makakabasa neto! ^^ Hihingi lang po sana ako ng advice or recommendation galing sa inyo. Baka may similar experience po kasi kayo.
So, 4+ months na po since nung nanganak ako, ok naman po ako and hindi naman ako nakakaramdam ng kahit anong unusual sa katawan ko. Yung pagod, I know, is normal naman especially si baby e clingy, pakarga nang pakarga. Hehe.
Netong mga nakaraang linggo lang, nagsimula ko naramdaman na parang namamaga yung part nung kamay ko (see pic), naisip ko siguro dahil sa kakakarga kay baby. Nung una, masakit talaga siya kaya tiis muna ako na di karga si baby, pero recently, mejo umokay na siya. Pero pagttwist ko lang kamay ko, super sakit na niya. Nagttry ako i-hot compress siya kada may chance ako, pero ganun pa din e. And, napansin ko na super naglalagas na ng buhok ko. Ang unusual, kasi kada suklay ko, andaming nalalagas. Kahit lang yata tanggalin ko ang tali ng buhok ko e andami pa din.
Yung friend ko ng college (certified titang ina 😄), siya kasi nag-alaga ng 2 pamangkin niya, sinabihan ako recently ng pamahiin nila. Wag daw ipapahila o pasabunot kay baby ang buhok ng nanay kasi maglalagas daw ang buhok ni nanay. First time ko narinig yun, and hindi naman ako ganun ka- mapamahiin na tao e kaya di ko siya alam.
So, normal po ba pagdaanan yung ganto ng mga kapapanganak lang, or should I see doctor na? Ayaw ko sana pa-doctor as much as possible, nakakapangamba naman kasi sa labas. Yung husband ko naman,kung ano ano nirrecommend na gawin ko. Mag-check daw ako sa YouTube or Lazada ng products, lalo na daw sa hair ko. Agapan ko na daw kasi baka maunahan ko pa siya mapanot. 😅
Hope to hear from you mga mommy kung ano pwede gawin para umokay na yung kamay ko and tumigil na paglalagas ng buhok ko.
#1stimemom #theasianparentph #advicepls
JPI-A