Pagsuka/lungad

Hello po sa inyo, tanong ko lang po ngayon lang po kasi after ko padedein si baby ko (3months) sumuka sya tapos may halong dilaw na malapot pero hindi sya marami, normal lang po ba yun? Tsaka hindi po sya nagpapanay dede kahit anong pilit ko isubo yung dede na nabubwesit lang sya sa gabi naman minsan 4 hours bago sya dumide kahit inuorasan ko every 2 hours padedein sya kahit tulog ayaw nya talaga. Pero minsan ok naman po yung pagdede nya, 2 days na po syang ganyan. Ok lang rin po ba yun? Nestogen po milk nya hindi na sya bf..

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hindi po okay yung maglungad/suka. Baka nalulunod or overfeed na po sya. If hindi naman po umiiyak, wag po pilitin uminom ng dede. Wag din po gisingin, hayaan lang matulog. Baka po kasi busog yan kaya ayaw uminom ng gatas. Iiyak naman po yan if gutom.

Alaways paburp c baby after nya magmilk. Hnd po xa makakadede ng tama paghnd nagburp.. Ilang months na po baby nyo. Better consult po pagmay ibang color yung suka nya..