tubig
Hello po. Pwede na po kaya pwede painumin ng water si baby? 2days old na po siya. Sana po may makapansin. TIA.
BAKIT BA BAWAL PAINUMIN NG TUBIG ANG SANGGOL 0-6M? Marami po sa atin, ang nagtatanong kung ligtas ba, at kailan ba pwedeng painumin si baby ng tubig. Lalo na ngayong tag init. Ngayong gabi ay bibigyan po natin ng linaw ang paksang ito. Ayon po sa World Health Organization at Department of Health, hindi maaring bigyan ng tubig ang mga sanggol na ANIM NA BUWAN PABABA. Napakadelikado po ng pagpapainom ng tubig sa mga sanggol na wala pang anim na buwan dahil ito ay nagiging dahilan ng WATER INTOXICATION OR POISONING. Ano ba ang Water Intoxication? Ito ay kondisyon kung saan ang sodium levels sa dugo ay bumababa dahil hindi pa kayang balansehin ng katawan ni baby ang tubig (Hyponatremia*). Ang mga sintomas at epekto nito ay: - Pagsusuka - Pagiging iritable - Pagkahilo - Sobrang ihi (6-8 basang diapers) - Pamamawis - Hypothermia o pagbaba ng temperatura ng katawan. - Epileptic Seizures - Pagkamatay Ito ang dahilan kung bakit mahigpit na ipinaaalala satin sa mga ospital at ng mga ahensyang pangkalusugan na bawal po ang tubig sa mga sanggol na anim na buwan pababa. Napakarami sa atin, na nadadala sa sinasabi ng matatanda na kailangan painumin ng tubig ang mga sanggol lalo na daw kung may sakit o kapag mainit. MALI PO ITO. Kung ikaw ay nagpapasuso, ang breastmilk ay 88% water. Kaya hindi na kailangan ng karagdagang tubig ni baby. Sa panahon ng tag init, ang gatas natin ay nagbabago ayon sa panahon at pangangailangan ni baby. Mas nagiging malabnaw ang gatas natin upang maiwasan ang dehydration. Sa mga nakaformula naman, hindi rin kailangan ng karagdagang tubig dahil ang bawat scoop ay may katumbas na tamang sukat ng tubig. Mga inay, huwag po tayong matempt na magbigay ng tubig. Wag po nating isugal ang kalusugan ni baby dahil lang sa utos ng mga taong nakapaligid sa atin. HUWAG po tayong magmadali na painumin sila ng tubig dahil buong buhay po nila, iinom naman sila ng tubig. Mainam na maghintay po tayo. Ingatan po natin ang ating kalusugan lalo na ng ating supling. Salamat po at mabuhay kayo mga inays!... PLS read. The American Academy of Pediatrics, the World Health Organization, and numerous other credible organizations strongly recommend only breastmilk for at least the first six months. The World Health Organization specifically mentions "Not even water" may be given to infants. Formula is only an acceptable alternative to breastmilk when breastfeeding is actually impossible. http://www.who.int/features/qa/breastfeeding/en/ http://www.who.int/nutrition/topics/infantfeeding_recommendation/en/ http://www.who.int/features/qa/21/en/ http://www.babycenter.com/404_when-can-babies-drink-water_1… http://www.britishbottledwater.org/children-and-babies.asp facts about hyponatremia http://parentingpatch.com/preventing-hyponatremia-or-water-intoxication-never-give-a-baby-extra-water/ Hyponatremia caused by excessive intake of water as a form of child abuse - https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4027093/ #Spreadeverylearning #WHO
Magbasa papwede naman po basta konti lang at hindi ka breastfeed. Pwede painumin ng water si Baby kung pure formula lang siya pero kung breastfeed bawal po painumin up to 6months dahil complete nutritions naman ang gatas ni Mommy. Pag formula lang siya pwede para ma-poops din siya ng maayos maganda. Note: Kailangan hindi patag na nakahiga si Baby kapag pinapadede. Dapat laging nakataas ang ulo hanggang balikat at laging pinapadighay. Always remind this.
Magbasa paayan naglabasan ang mga hater s water. kami po nagpapainom kay baby ng water pagkapanganak p lng nya. kasi un po ang turo s hospital at ng pedia nya.. formula milk si baby since birth tpos every dede nya after 30mins.pinapainom namin ng water 1oz. ngaun 6mos.n si baby every meal at dede nya 4oz n n water naiinom nya.. pero kung breastfed ka po no nid n ng water
Magbasa paReasons why BAWAL ANG WATER FOR 6 MONTHS BELOW: Dahil hindi pa kayang ihold ng kidney ni baby ang too much water. Sapat na ung water sa breast milk or sa formula milk. Giving water may also cause the baby to drink less breastmilk or to stop breastfeeding early and therefore it can cause malnutrition. Breast milk is more than 80% water.
Magbasa paKaya nga may gantong app para sa mga gustong magtanong. Itatanong nya ba yan kung alam nya yung tama. Pwede at hindi lang isasagot dami pang dinudugtong na negative. Hindi naman lahat ng bagay alam ng tao lalo na kung first time palang maging nanay.
nagdagdag un iba sa comment to educate her. which i think mas better kaysa sa yes at no na sagot.
sa lying in advice nila pagka labas ni baby painumin ng water after 2 hours. Hindi ko magets bakit sinasabi nila na no water eh kapag fm ka naman water gamit sa pag timpla ng gatas. Syempre hindi mo naman paiinumin ng tubig gripo ang NB baby mo.
May water content na po ang breastmilk.
hindi pa po puyd sis . kasi may posible na malason yung baby sa tubig . mas ok napo yung padede lang muna sayu . sabi kasi lahat daw ng kinakain mo napupunta sa right side ng dede mo tas yung sa left side nman yung ininum nyo po .
Ang SBI ng Pediatric Pag fully breastfeed bawal po painumin ng water,ok LNG po ang nkaformula sa baby ang water,kpag breastfeed po kc malelessen po ang pagiging fully brestmilk atsaka may tubig n po ang milk ng breastfeed..
hi po, just want to say something. kahot formula milk po iniinom ni baby, a big no pa rin po sa pag papainom ng water if below 6months old po sya
Most of the Pedia advise nila 6months pa ang water intake. Babies need the nutrients sa milk and wala naman pa silang makukuha sa water na baka makapuno ng tummy nila and feel nila busog sila pero hindi sa milk.
Hindi pa pwede until mag-6months siya, Mommy. You can visit this link sa guidelines and reasons behind according to the World Health Organization (WHO): https://www.who.int/features/qa/breastfeeding/en/
Dad of 2 superhero little heart throb