Yeast infection?

Hello po. Pasintabi po sa picture. Last week po nagconsult ako sa OB ko about sa discharge ko, may amoy kasi syang fishy, then niresetahan nya po ako ng Metronidazole, okay naman after drinking it for 2 days palang nawala na yung amoy and onti nalang din discharge na malabnaw and color green. Pero tinuloy ko parin po yung pag inom ng gamot since for 7 days po kasi sya. 5th day ko na po today. Ngayong araw din po nangangati naman po yung vagina ko, then pinacheck ko po kay hubby, ayan pong nasa pic ang kinalabasan. Nawala yung amoy sa gamot pero napalitan ng kati at ganyan sa loob ng vagina ko. 😒 Di naman po ako makabalik sa OB ko dahil malapit narin po ko manganak parang gusto nalang mag rest kesa bumyahe pa. Nagpa-lab test narin po ako waiting for the result on Monday. Anyone po with same case with me? Medyo stress na ko, bakit ako nagkaron nito, malinis naman ako sa katawan lalo na pagdating sa private part ko, naghuhugas din ako ng fem wash and apple cider vinegar at maligamgam na tubig. Ang tagal nadin namin di nag DO ni hubby almost 2 mos na ata dahil worried ako na baka dun galing ang discharge. Baka po may marecommend kayong over the counter meds, na di need ng reseta. I'm thinking po of anti-fungal creams or suppository, but not sure ano pwede for pregnant like me. Thanks po. #pregnancy #advicepls

Yeast infection?
32 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nagkaganyan po ako pero hndi ganyan kalala pero pinagbawalan ako ng ob ko ng fem wash, more on water lang ang paghugas ko, masipag dn ako uminom ng buko, sa gabi or hapon yakult, pero more on inom pa dn ako ng waterm may nireseta sya sakin na cream pero never ko ginamit. after 1 week, wala pang 1 week nawala na discharge ko. Iwasan nyo din yung mga sweets, #1 yan sa dapat nyong iwasan. Kada ihi nyo, palitan nyo ng isang basong tubig. Sobrang kati pa naman nyan Momsh.

Magbasa pa
5y ago

thanks po